Dear Dr. Love,
I’m here again. Sumulat ako para magpasalamat sa mga payo mo. Tawagin mo uli akong Jowan, isang guro dito sa Libacao National Forestry Vocational High School. TLE Major.
Lagi akong sumusubaybay sa iyong column at nagkaroon nga ng liwanag ang mga problema kong kinakaharap.
Masaya na ako sa kinalabasan ng ipinayo mo sa akin. Unti-unti na akong nakaka-move on.
Pero nandoon pa rin ang pagnanasa ko na makatikim ng pagmamahal. Parang ang tingin ko sa sarili ko, sex maniac na nga.
I need a psychologist na makakaunawa sa kakaiba kong behavior. May mairerekomenda ka ba sa akin?
Naaawa na tuloy ako sa aking anak at pamilya na nadadamay sa aking maling ginagawa.
Marami pong salamat. Sana marami ka pang matulungan na tulad ko na naligaw ng landas.
Nagmamahal,
Jowan
09165433700
P.S. Kung sino man po ang nais na ako’y matulungan at magkaroon ng kaibigang makakaintindi sa aking problema, I really appreciate it.
Dear Jowan,
Natutuwa ang pitak na ito dahil positibong naidudulot namin sa mga gaya mong letter sender, na siyang pangunahing layunin namin. Natatandaan kita. Ikaw ‘yong may inililihim na love child. Na ang problema ay nilulunod sa alak. Nagkaroon ng trauma dahil sa nangyari sa buhay kaya’t umaayaw sa commitment at ang nais lamang ay one night stand.
Kailangan mo nga ang psychologist pero hindi ko alam kung mayroon kayo diyan sa lugar ninyo na makapagbibigay sa iyo ng payo.
Makakatulong din sa problema mo ang pagtatapat sa iyong father confessor kung mayroon ka o kaya’y sa isang pastor ng simbahan.
Bukod sa pangangalagang medical, psychological, kailangan mo rin ang payong ispiritwal. Na higit na makatutulong sa iyo para mapatatag ang sarili laban sa iba’t ibang uri ng tukso sa iyong paligid.
Hangad ng pitak na ito ang tuluyang pagbabago ng iyong buhay.
DR. LOVE