Dear Dr. Love,
Good day, Dr. Love!
It’s my 2nd letter and until now nagdadalawang-isip ako kung paano ko pakikitunguhan ang asawa ‘ko. Ilang araw na lang ay pauwi na siya galing abroad. Gusto niyang buuin muli ang aming pamilya. Hiniwalayan ko kasi siya tangay ang anak namin, Dr. Love.
Bukod sa pagda-drugs noon, barkada ay paulit-ulit siyang nambababae. Ngayon daw ay Christian na siya at nagbago na. Pero talagang namanhid na ako sa kanyang mga ginawa. Hindi ko na ma-appreciate ang mga sinasabi niyang pagbabago.
Pero sa lahat ng mga nangyari sa amin, hindi ko ipinagkait sa kanya ang aming anak. Nakakaintindi na ang anak ko kaya alam niya kung bakit kami magkahiwalay ng kanyang ama.
Ayokong magkasakitan pa kami physically and verbally tulad ng ginagawa niya sa akin dati. Tuwing ayaw ‘kong makipagbati, tuwing nahuhuli ko siya sa kalokohan niya.
Para sa akin, mas maraming reason na huwag siyang balikan kaysa sa balikan pa siya. ‘Di ko rin kasi matanggap kung paano siya kunsintihin ng magulang niya sa lahat ng kalokohan niya. Kaya lalong humina ang pagsasama namin dati. Could you give me some advice kung paano ko iha-handle ang ganitong tao. At paano magbabago ang feelings ko sa kanya kung sakali ngang totoo na nagbago na siya?
Thanks and more power!!
Ms. Stressed Girl
Dear Ms. Stressed Girl,
Huwag kang magpaka-stressed dahil hindi ka makakapag-desisyon ng tama. Ang sabi ng Bible wala ni isang taong hindi nagkasala (Romans 3:23). Lahat ay nagkasala at hindi nakaabot sa pamantayan ng Diyos. Ibig sabihin, ako, ikaw, tayong lahat ay nagkasala. Sa Romans 6:23 sinasabi naman na ang kabayaran sa ano mang kasalanan ay kamatayan pero ang dulot ng pakikipisan kay Kristo Hesus ay buhay na walang hanggan.
Kung ang isang tao’y nagkasala sa iyo, hindi mo ba bibigyan ng pagkakataong patunayan na siya’y nagbago na nga? Kung ang bagay na iyan ay hindi mo magagawa, hindi rin magagawa ng Diyos na patawarin ang taong hindi makapagpatawad.
Ang payo ko’y pakawalan mo ang stress sa katawan mo at magkaroon ng malawak na pang-unawa. Para sa Diyos, walang kasalanang hindi napapatawad at hindi mo puwedeng sabihing ikaw ay hindi nagkasala. Patawarin mo ang iyong asawa at magkakaroon ka ng kapayapaan sa puso.
Dr. Love