Huthuterong boyfriend

Dear Dr. Love,

Sana matulungan mo ako sa problema ko tungkol sa aking boyfriend. Wala akong masabihan kahit friends ko. Tawagin mo na lang akong Lynna, 30 years old.

Sa tuwing mangangailangan ang boyfriend ko ay sa akin siya humihiram. Hiram na wala nang saulian­. Noong una’y okay lang sa akin dahil boyfriend ko naman siya at mahal ko. Pero naging madalas at ako ang nahihiya para sa kanya. ‘Di po ba ang babae ang dapat binibigyan ng lalaki at hindi the other way around? Dumating sa point na pati savings ko nagagalaw ko na po.

Nakokonsensya naman ako kundi ko siya tutulungan, ang nangyari po nagsabi po akong na-offend ako sa madalas niyang panghihiram. Tapos kinabukasan naman nag-text siya, nag-sorry at sinabing hindi na mauulit. Pero up to now ‘di pa kami masyado nag-uusap sa nangyari. Malaki-laki na rin po kasi ang nahiram niya sa’kin. Which is ‘di ko naman na po inaasahan na maibabalik niya.

Lynna

Dear Lynna,

May katuwiran kang mainis at mawalan ng amor sa boyfriend mo. Gusto ko mang sabihin na bigyan mo siya ng second chance at baka sakaling magbago, tingin ko’y masyado nang deeply rooted ang kanyang hindi kanais-nais na ugali.

Pero ikaw ang dapat magpasya. Kung may nararamdaman ka pang love para sa kanya sa kabila nang lahat, give him another chance. Pero kung hanggang ngayon ay asar ka pa rin, suriin mo muna ang nararamdaman mo at baka tuluyan ka nang tinabangan dahil sa ugali niya.

Kung ganyan ang ugali niya hanggang makasal kayo, anong future ang nakalaan sa inyo at sa inyong­ magiging anak?

It’s all up to you Lynna. Buhay mo, desisyunan mo.

Dr. Love

Show comments