Dear Dr. Love,
Una sa lahat, isang masaganang pangungumusta.
Ako po si Romeo Ano Nuevo, isang US citizen at pensiyonado ng gobyernong Amerikano.
Sa edad ‘kong 65 years old, binata pa po ako. Naghahanap ako ngayon ng mapapangasawa, isang babae na mula sa mahirap na pamilya at gusto kong sa kanya iwanan ang aking pension sakaling mawala na ako sa mundong ito.
Physically fit pa po ako sa kabila ng edad ko, kaya lang diabetic po ako.
Dr. Love, gusto ko po makilala si Lucy, 23 years old, sa nalathala ninyong sulat noong Feb. 1, 2011. Ang title po ng kanyang kasaysayan ay “Nililigawan ng Anak ng Amo.” Nais ko po siyang paalalahanan na maaaring lolokohin lang siya noon dahil bata pa iyon.
Sana mabasa ito ni Lucy dahil nais ko pong makipagkaibigan sa kanya. Ang landline number ko ay 474-6066, ang cell phone 09286574640.
Maraming salamat po.
Gumagalang,
Romeo
Dear Romeo,
Salamat sa liham mo. Bakit naman naghintay ka nang matagal bago humanap ng makakasama mo sa buhay? Sana mabasa ni Lucy ang sulat mo kaya inilathala namin ang iyong telepono.
Matagpuan mo sana ang lady love mo at sana, maging maligaya kayo.
Nagpapasalamat din kami sa tiwalang ibinigay mo sa pagpapalathala ng liham mo sa PSN.
Dr. Love