Dear Dr. Love,
Sa pagtanggap n’yo po ng liham na ito, sana’y nasa mabuti kayong kalagayan. Ako po ay 37 years old, separated for almost 6 years at may isang anak na 8 years old.
After 3 years na pagsasama namin ng aking asawa ay iniwan n’ya kami ng aking anak para sa ibang babae na kasama rin namin dati sa pinapasukang bangko. Ang babae ay may asawa rin at iniwan rin ang asawa para sila ay magsama.
Inspite of begging my husband to stay with us at ayusin ng pagsasama namin, wala akong nagawa sapagka’t patuloy pa rin ang kanilang relasyon. Hanggang sa magsama na sila ng kerida niya. Ngayon ay may dalawang anak na sila.
Masakit pero pinilit kong kayanin para sa anak ko. Ngayon, masasabi ko na after lots of years naka-move on na ako. At sana makakilala ako ng mga kaibigan at tunay na magmamahal sa akin at sa aking anak.
Salamat and more power!
Kristine
Dear Kristine,
Kung kasal ka sa husband mo at walang annulment na nangyari at basta na lang siya umalis at sumama sa ibang babae, sa mata ng batas ay mag-asawa pa kayo.
Ibig sabihin, ang mister mo ay gumawa ng kasong kriminal at maaari mo siyang idemanda kung gusto mo. Iyan ay kaso ng concubinage dahil nakikisama siya sa ibang babae at inanakan pa. Ang isa pang kaso ay abandonment. Pero imbes na magdemanda, naghahanap ka ng bagong partner. Kung ang balak mo ay magkaroon ng bagong kakasamahin, magiging criminally liable ka rin sa salang adultery. At kung magkaroon kayo ng mutual consent ng asawa mo para huwag nang pakialaman ang isa’t isa, baka lalung malaking problema ang papasukin mo.
First things first wika nga. Kung gusto mong lumaya, mag-file muna kayo ng marital annulment na mag-asawa para ang gagawin ninyong pakikisama sa bagong kapareha ay maging legal. Ngunit kung hindi kayo kasal, malaya kayong gawin ang gusto ninyo.
Kung ako ang tatanungin, hindi ko kinukunsinti ang separation. Ayaw ni Lord niyan. Pero naririyan na kayo sa ganyang kalagayan kaya ang masasabi ko’y kumunsulta ka sa abogado tungkol sa problema mo.
Dr. Love