Dear Dr. Love,
Nawa’y pagpalain po kayo ng Poong Maykapal.
Ako nga pala si Jhon ‘di ko tunay na pangalan, I’m working in CCIC Ras Laffan Industrial City State of Qatar as computer operator. Sumulat ako sa inyo dahil po sa mga kahinaan ko sa buhay. Noong una po ‘di ko maintindihan ang aking sarili kung ako ba ay isang lalaki o silahis? Pagkalipas ng maraming taon, sa edad kong 20 na-realized ko na ako ay silahis.
Ang gusto ko po baguhin ay kung papaano ko maiiwasan ang mga guys sa buhay ko kasi ‘di ako makapag-ipon.
At masakit po nito kapag nagmahal ako sa lalaki binubuhos ko ng todo. Dr. Love bakit po ang tao ay nahahati sa apat, lalaki, babae, bi or tomboy?
Salamat po.
Best regards,
Jhon
Dear Jhon,
Ayon sa Bible, nilikha ng Diyos ang tao na “lalaki at babae.” Pero bakit may bakla o tomboy? Bilang isang bible-believer, I will conclude na ito’y bunga na rin ng pagkakaroon ng fallen nature ng tao sapul nang unang sumuway ang ating mga unang magulang sa Diyos.
Tingnan mo ang nangyayari sa mga same-sex relationship, hindi ba halos karamihan ay nauuwi sa kabiguan. Kasi, ang lalaki at babae lamang ang puwedeng mag-produce ng pamilya na mula sa kanilang sariling katawan.
Ikinalulungkot ko kung ang payo ko’y hindi angkop sa paniniwala ng iba pero bilang Kristiyano, ako ay maninindigan sa sinasabi ng Salita ng Diyos na tama.
Dr. Love