Buksan ang linya ng komunikasyon

Dear Dr. Love,

Lagi po ako nagbabasa ng column n’yo. Nawa’y nasa mubuti kayong kalagayan. Watch full video

Tawagin n’yo na lang po ninyo akong Ms. Leo, 25 taong gulang na taga-Cavite. Nais ko po sanang humingi ng payo, Dr. Love. Meron po akong boyfriend for 6 yrs, siya  po si Mr. Libra. Nakipaghiwalay na po siya sa akin. Dahil hindi na raw niya kayang makisama sa family ko at sa akin.

Alam ko po na mahal niya ako at hindi ko alam kung ano ‘yung mga dahilan. Nagbabalak po kasi akong umalis ng bansa, sinabi ko po sa kanya na ayos na lahat-ahat.

Sinabihan po niya ako na kasabay ng pag-alis ko ay ang kalayaan ko. Dr. Love, ipinaliwanag ko po sa kanya kung bakit.

Para maintindiahn niya na hindi ako aalis para sa sarili ko lang, ginagawa ko ‘to para sa pamilya ko at para rin sa aming dalawa. Para pagdating ng araw kapag nag-settle na kaming dalawa, hindi kami aasa sa mga magulang namin.Dr. Love alam ko na walang babae ang boyfriend ko, siguro nahihirapan siya sa sitwasyon niya sa buhay niya, sa estado niya.

Mahal ko po siya Dr. Love pero sa kabila ng lahat, bakit niya ako nagagawang talikuran. Sinabi niya na para sa ikakabuti ko raw po ang ginawa niya. Hindi ko po matang­gap ‘yung dahilan niya dahil napakababaw po nito.

Ano po ba ang dapat kong gawin? Sana mapayuhan po ninyo ako;

More power and God bless, thanks a lot.

Ms. Leo ng Cavite

Dear Ms. Leo,

Maaaring ang nasabi niya ay bugso lamang ng kanyang emosyon bunga ng hindi niya pakikipagkasundo sa iyong pamilya. Puwede rin naman na humahanap lang siya ng butas para makipaghiwalay sa iyo.

Kaya para maliwanagan mo ang buong isyu, pag-usa­pan ninyo ito ng mabuti. Sa aking palagay kasi, ang isang taong tunay na nagmamahal ay nakikinig sa katuwiran at hindi basta-basta gumagawa ng marahas na desisyon na makakaapekto sa relasyon.

Open the communication line para malaman mo ang real score sa inyong dalawa. Mahal ka ba niya talaga o humahanap lang siya ng butas para hiwalayan ka? Sana hindi. Pero ang makakasagot lamang niyan ay siya at wala ng iba. Tanungin mo siyang mabuti kung ang sina­sabi niyang pagbibigay kalayaan sa iyo ay bugso lang ng emosyon o hindi ka na niya mahal.

Dr. Love

(Para sa mga nagnanais na lumiham kay Dr. Love, ipadala ito sa DR. LOVE c/o NGAYON Libangan Sec­tion 202 Roberto S. Oca corner Railroad Sts. Port Area, Manila. Maaari rin mag-email sa LibNGAYON@

(Para sa mga nagnanais na lumiham kay Dr. Love, ipadala ito sa DR. LOVE c/o NGAYON Libangan Sec­tion 202 Roberto S. Oca corner Railroad Sts. Port Area, Manila. Maaari rin mag-email sa LibNGAYON@philstar.net.ph.)

Show comments