Pareho ang karanasan

Dear Dr. Love,

Isang mainit na pagbati ang ipinaaabot ko sa inyo at sa lahat ninyong kasamahan sa PSN.

Ako po si Ariel Bautista. Kung inyo pong nata­tandaan­, lumiham na ako noon at ang idinulog kong problema ay ang bawal na pag-ibig sa isa kong pinsang buo.

Ang problema ko sa puso ay humantong sa aking­ pagkakabilanggo dahil sa natuto akong gumamit ng droga para malimutan ang babaeng minahal ko nang labis pero hindi nga pinaboran ng aking pa­milya, dahil­ siya ay pinsan kong buo.

Sa awa at tulong ng Panginoon, nakalaya na po ako noong Hulyo 2, 2010. Pagkaraan ng limang buwang pagkakapiit. Maraming salamat po sa mga payo ninyo.

May nabasa po ako sa column ninyo, isang liham mula sa babaeng ang pangalan ay si Rose. Sa pamamagitan po ng tulong ninyo, nais kong maki­pagkaibigan sa kanya dahil ang suliranin niyang idinulog ay kahawig ng sa aking unang idinulog.

Dahil hindi ako marunong gumamit ng com­puter, hindi ko maipadala ang aking sulat kay Rose na ang layon ay makipagkaibigan.

Ang inilagay ni Rose na address niya sa e-mail ay Rose Negros Occ. Rhmsy@yahoo.com.

Inilakip ko po ang liham ko para kay Rose at sa tulong ninyo, nais kong maipaabot iyon sa kanya.

Hindi ko po nais na abusuhin ang inyong pag­ka­matulungin, pero wala akong ibang mala­lapitan kundi kayo.

Sana po, maunawaan ninyo ako sa hangarin kong makilala at maging kaibigan si Rose.

Maraming salamat po at tatanawin kong mala­king­ utang na loob ang pabor na ito.

More power to you.

Gumagalang,

Ariel Bautista

660 Zenia St. Barangay

Paciano Rizal Bay, Laguna

 

Dear Ariel,

Makakaasa kang ipadadala ng column na ito kay Rose ang iyong liham. Sana, magkakilala kayo at inaasahan kong dahil sa magkapareho ang inyong naging karanasan, magkakatulungan kayo sa pag-unawa ng inyong mga problema.

Dr. Love 

(Para sa mga nagnanais na lumiham kay Dr. Love, ipadala ito sa DR. LOVE c/o NGAYON Libangan Section 202 Roberto S. Oca corner Railroad Sts. Port Area, Manila. Maaari rin mag-email sa LibNGAYON@philstar.net.ph.)

Show comments