Malas sa seaman

Dear Dr. Love,

Sana, datnan kayo ng liham kong ito na nasa mabuting kalagayan.

Matagal ko na pong gustong sumulat sa inyo pero ngayon lang ako nagkalakas ng loob.

Ako nga pala si Marites Soriano, 37 years old. Isa po akong Caviteña. Dati po, nagtatrabaho ako sa isang malaking mall.

Sa edad ‘kong ito, single pa po ako. Marahil bunga ito ng pagkadala ko sa pag-ibig. Malas ako sa unang boyfriend ko na isang seaman. Hindi kami nagtagal dahil marami siyang chicks.

Nakakilala uli ako ng isang minero, tinugon ko ang pag-ibig niya sa pag-asang hindi lahat ng seaman ay magkakapareho. Subali’t tulad ng dati mayroon na namang third party.

Kaya ipinangako ko na hinding-hindi na ako iibig pa sa isang seaman. Pero ngayon ko lang naramdaman, malungkot pala ang nag-iisa.

Sana, hindi pa huli ang lahat para sa akin. Makatagpo sana ako ng isang tunay na magmamahal.

Sa pamamagitan ng inyong column, inaasahan kong makakakilala ako ng isang lalaki na magmamahal sa akin at mamahalin ko rin ng tapat.

God bless you and more power.

Lubos na nagpapasalamat,

Marites H. Soriano

D.P. Jimenez Street

Wawa I Rosario, Cavite 4106

Dear Marites,

Salamat sa liham mo at ganap naming nauunawaan ang nararamdaman mo sa ngayon.

Natural lamang ang iyong nadaramang pa­ngamba, lalo pa’t hindi ka na bumabata. Pero hindi naman dahilan ito para madaliin mo ang iyong sarili. Sumapit ka sa edad mo ngayon dahil sa nadala ka sa naging dalawang unang kasintahan.

Panatilihin mo ang maayang disposisyon sa buhay. Makihalubilo ka sa lipunan. Sa ganyang paraan, marami kang makikilala.

Makikita mo, darami ang mga kaibigan mo at maiiwasan ang kalungkutan na makapagbi­bigay ng maagang mga pileges sa mukha.

Go out. Be happy. Remember, age is a state of mind.

Dr. Love

Show comments