Dahil sa maling akala

Dear Dr. Love,

Isa po ako sa mga masusugid n’yong taga­subaybay. Naisipan ko pong sulatan kayo upang humingi ng advise o opinyon.

My asawa po ako at meron kaming isang anak. Sa kasalukuyan po magkalayo po kami, andito po ako sa Mindanao at s’ya po at ang aming nag-iisang anak ay nasa probinsya nila sa Nueva Ecija.  

Nandito po ako sa Mindanao dahil dito po ako nagtatrabaho. Isa po akong regular government employee.  

May usapan po kami ng mister ko na temporary lang ang ganitong set-up dahil nag-iipon po ako para sa katuparan ng mga plano namin sa buhay tulad ngayon, kasalukuyan po kaming nag­papatayo ng sarili naming bahay sa lupain ng mga magulang n’ya.  

Wala po kasing regular na trabaho ang mister ko. Ang usapan namin kapag natapos na ang aming bahay na hopefully ay matatapos na sa taong ito ay susunod na sila ng aming anak sa’kin dito next year. Pagkatapos ng closing sa paaralan ng anak namin sa Marso 2011.  

Ang problema ko po ay parang wala po s’yang tiwala sa’kin. Lagi-lagi po kami nag-aaway thru cellphone dahil lagi po n’ya akong pinagdudu­dahan na may mga ka-text o kontak daw ako sa kanila dahil may mga pagkakataon daw na parang magkakatugma ang mga usapan namin sa mga nangyayari sa kanila at inaakala n’ya na ako daw ang nagkakalat ng balita sa kanila na hindi naman totoo.  

Ang sabi pa ho n’ya pinapahamak at ipinapa­hiya ko raw s’ya. Ilang beses na po akong sumu­sumpa sa kanya na wala talaga akong ibang kina­kausap sa kanila tanging ang mister ko lang po ang kontak ko sa kanila pero hindi po s’ya naniniwala sa’kin.  

Dahil sa inis at galit ko po sa kanya dahil paulit-ulit po na nangyayari ito sa amin, nagpasya na po ako ngayon na makipaghiwalay na lang sa kanya dahil punong-puno at sawang-sawa na po ako sa mga pagbibintang at pang-aakusa n’ya sa’kin na puro walang katotohanan. 

Hindi pa ho final ang paghihiwalay namin dahil ako lang po ang may gusto na makipaghiwalay sa kanya.

Tama po ba ang naging desisyon ko Dr. Love? Payuhan n’yo po ako.   Maraming salamat po.

Lubos na gumagalang,

Susan

Dear Susan,

Marahas ang desisyon mo. Laging prayoridad dapat ang pamilya. Kung wala siyang tiwala sa iyo, sana ikaw na lang ang nagbalik sa piling niya at mag-request kang ma-transfer sa lugar na malapit sa iyong pamilya. Kung hindi puwede, mag-resign ka. Sakrpisyo iyan pero kailangan para sa preserbasyon ng pamilya mo.

After all, siya ang lalaki at siya ang dapat mag­ha­napbuhay. Sabihin mo sa kanya “o sige, babalik na ako diyan ngunit maghanap ka sana ng matatag at pirmihang trabaho.”

Mahirap gawin pero dapat nananatiling priority ang pamilya. Mas malaking perhuwisyo kasi ang idudulot ng paghihiwalay.

Dr. Love

(Para sa mga nagnanais na lumiham kay Dr. Love, ipadala ito sa DR. LOVE c/o NGAYON Libangan Section 202 Roberto S. Oca corner Railroad Sts. Port Area, Manila. Maaari rin mag-email sa LibNGAYON@philstar.net.ph.)

Show comments