Maling desisyon, maling situwasyon

Dear Dr. Love,

Bago po ang lahat, magandang araw po sa inyo at sa lahat na bumubuo ng PSN. Tawagin n’yo lang po akong Che, 23 yrs. old.

Naging nobyo ko po si Ariel noong April 2007. After 2 months nag-live in kami nang madestino ako sa Cebu. Nagbunga po ito kaya nagdesisyon ang mga magulang namin na pakasal kami. Pero nagkakalabuan na kami dahil nakarating sa akin na gumigimik siya kasama ang ex-gf niya.

Akala ko magbabago ang lahat pagka­pa­nganak ko, pero balewala kami ng aking anak sa kanya. Kaya nagkipaghiwalay na ako. Simula noon kung sino-sinong babae ang naka­­karelasyon niya. Kung minsan sadyang ipina­mumukha niya sa akin ito, na sobrang ikina­sasakit ng kalooban ko. Lumayo ako kasama ang aming anak Dr. Love, nag­punta kami sa Maynila.

Nakatanggap po ako ng text galing sa kanya, na humihingi ng tawad. Nagdalawang-isip akong mag-reply dahil gusto ko sana mag-usap kami ng personal.

Magulong-magulo po ang isip ko ngayon dahil umaasa pa akong mabubuo ang pamilya namin, pero nabalitaan kong may kalive-in siya na may anak na. Masakit po para sa akin na suportado niya ang batang ito, gayong ang aming anak ay ulila sa kanyang atensiyon. Gusto ko siyang tawagan dahil marami akong gustong itanong sa kanya pero natatakot ako at baka hindi niya ako kausapin. Two years old na po ang anak naming babae ngayon at naaawa ako sa kanya.

Ako po ba ang nagsimula ng gulong ito, Dr. Love? Sana po mapaliwanagan ninyo ako dahil umaasa pa rin po ako na mabubuo pa ang pa­ milya namin. Maraming salamat po! God bless.

Lubos na gumagalng,

Che

Dear Che,

Hindi na importante kung kanino nagsimula ang conflict sa buhay mo. Madalas ko’ng sabihin ito sa mga sumusulat sa akin ng kani­lang suliranin, at inuulit ko para sa iyo. Ang ano mang situwasyong kinalalagyan natin ay bunga ng desisyon. Kung nagtagumpay tayo sa buhay, ito’y dahil sa tama at matalinong desisyon. Kung tayo’y nasa katayuan ng kabiguan, ito’y dahil sa ating maling desisyon.

Pero nangyari na iyan sa iyo at ayaw kong sisihin ang ginawa mong pakikipag-live-in sa iyong kasintahan na talagang saan mang anggulo silipin ay mali.

Harapin mo na lang ang iyong kapalaran. Palakihing mag-isa ang iyong anak at huwag mo nang hangarin pang makipagbalikan sa boyfriend mo na nagpapakita na ng kanyang natural na ugali.

Dr. Love

(Para sa mga nagnanais na lumiham kay Dr. Love, ipadala ito sa DR. LOVE c/o PSN Libangan 202 Roberto S. Oca corner Railroad Sts. Port Area, Manila. Maaari rin mag-email sa psnlibangan@philstar.net.ph.)

Show comments