Dear Dr. Love,
I am one of your avid readers. Dr. Love like Nikka, I am somewhat like her too. The only difference is I am married but far from my husband.
Me and my husband talk to each other once in a while. Nasa ibang province kasi siya nagtatrabaho. We both are sexually thirsty that during our course of conversation over the phone we will end up making love at minsan Dr. Love ako’y nagma-masturbate kasi madalas akong ma-arouse even watching over the television na may kissing scene. Ginagawa ko ito Dr. Love maybe twice a week.
Ang tanong ko Dr. Love, ako ba ay normal? Ako ba ay nagkakasala? Please help.
Gumagalang,
Makasalanan
Dear “Makasalanan,”
Hindi kita hinahatulan kundi ikaw ang umamin na ikaw ay makasalanan. Magandang indikasyon iyan dahil ang sabi sa Bible, lahat tayo’y makasalanan at ang pag-amin nito ay isang hakbang papalapit sa kaligtasan. Ang sabi sa Roma 3:23 “lahat ng tao ay nagkasala at hindi umabot sa pamantayan ng Dios.”
Pero may kasunod iyan. Dapat pagsisihan ang kasalanan at tanggapin sa ating puso si Jesu Cristo bilang Panginoon at tagapagligtas. Sa ganyang taimtim na panalangin at patuloy na pagbubulay sa Salita ng Dios ay bibigyan Niya tayo ng lakas para ma-overcome ang ano mang tuksong darating sa atin.
In your case, vulnerable ka dahil magkalayo kayong mag-asawa. Bakit nga ba? Hindi ka ba puwedeng sumama sa kanya tutal, dito lang naman sa loob ng bansa? Dapat marahil ay humanap siya ng ibang trabaho na hindi kayo magkakalayo.
Hindi ako pabor sa paglalayo ng mag-asawa dahil hindi makabubuti kanino man (babae o lalaki) ang mag-isa. Kaya nga nilikha rin ng Dios ang babae para hindi nag-iisa ang lalaki.
Mag-usap kayong mag-asawa dahil ang matinding pangungulila ay baka humantong pa sa mas malalang situwasyon gaya ng pakikipag-relasyon sa iba. Isasama kita sa aking personal na panalangin.
Dr. Love
(Para sa mga nagnanais na lumiham kay Dr. Love, ipadala ito sa DR. LOVE c/o PSN Libangan 202 Roberto S. Oca corner Railroad Sts. Port Area, Manila. Maaari rin mag-email sa psnlibangan @philstar.net.ph.)