Naghanap ng kapalit

Dear Dr. Love,

Greetings in the name of our Almighty God, the Holy Father, thru His only Son our Lord Jesus Christ.

Ako po ay isang avid reader ng PSN. Tawagin mo na lang po akong Efren, 41 years old, may asawa dati at dalawang anak.

Dati, dahil iniwan na niya ako at nang ako’y makulong. Nakagawa ako ng krimen sa amin sa Iloilo bago nailipat dito sa Muntinlupa.

Masakit pero wala naman akong maga­gawa. Natanggap ko na rin dahil hindi ko kontrolado ang sitwasyon.

Sa ngayon, ginugugol ko ang aking panahon sa pag-aaral. Hindi lang para mawala ang aking pagkainip kundi para maging makabuluhan ang aking buhay.

Ang nais ko lang, magkaroon ng maraming kaibigan sa panulat para maging inspirasyon ko sa buhay at makatapatan ng loob at impor­masyon.

Hanggang dito na lang po, maraming salamat at more power to you.

Respectfully yours,

Efren Esmulla

N209P-1024

Camp Sampaguita

Muntinlupa City 1776

Dear Efren,

Hindi ka nag-iisa sa problema. Marami na tayong natanggap na sulat at nabigyan ng payo ng mga kasamahan mo diyan na iniwan ng kanilang asawa. Hindi mo dapat na pakaisipin pa ito. Magpakatatag ka at magpakabuti para ma­kalaya agad. Ituloy mo ang pag-aaral at sikaping mapaunlad ang sarili para sa kina­bukasan mo. Good luck to you at huwag kang makakalimot na tumawag sa Panginoon.

Dr. Love

(Para sa mga nagnanais na lumiham kay Dr. Love, ipadala ito sa DR. LOVE c/o PSN Libangan 202 Roberto S. Oca corner Railroad Sts. Port Area, Manila. Maaari rin mag-email sa psnlibangan@philstar.net.ph.)

Show comments