Two-timer?

Dear Dr. Love,

Hi and hello to you Dr. Love - ang paborito kong tagapayo sa pag-ibig.

Matagal-tagal na rin akong nagbabasa ng iyong kolum at naisipan kong sumang­guni sa iyo. Isa akong teenager na mula sa isang may-kayang pamilya. Tawagin mo na lang akong Frida.

Sa ngayon ay nasa fourth year high school na ako at mayroon akong boyfriend. Crush ng bayan ang tawag sa kanya dahil guwapo.

Akala ko’y ako lamang ang girl sa buhay niya. Nagkamali ako dahil sa kanilang neighborhood ay mayroon pala siyang childhood sweetheart.

Nalaman ko ito sa aking pinsan na kapitbahay niya sa Malabon City.

Dahil sa natuklasan ko ay agad akong nakipag-break sa kanya. Panay ang paliwanag niya pero ayaw ko nang makinig. Hindi raw totoo ang balita. Kababata lang daw niya at ang turingan nila ay magkapatid lang. Dapat ko ba siyang pa­niwalaan?

Frida

Dear Frida,

Sa ano mang relasyon, ma­halaga ang tiwala sa isa’t isa. Ang nagmamahalan ay nagbi­bigay sa isa’t isa ng benefit of the doubt.

Maaaring totoo o hindi ang sinasabi ng boyfriend mo pero bago ka gumawa ng conclusion, dapat ito’y mapatunayan mo sa iyong sarili.

May kasabihan na ang nani­niwala sa sabi-sabi ay walang bait na sarili kaya before jumping into conclusion, go out and prove it yourself. Sa papa­anong paraan? Aba, sariling diskarte mo na iyan.

Dr. Love

Sa mga Overseas Filipino Workers na may problema at nangangailangan ng counseling, umugnay sa http://www.o fwonline.ateneo.edu. Ito ay bukas seven days a week. This website project specifically targets OFWs and their families in different parts of the world. - Dr. Love

Show comments