Nililigawan ni Prof.

Dear Dr. Love,

Hello and how are you, Dr. Love. Please call me Bambi, 18 years-old.

Sa ngayon ay nag-aaral ako ng Computer Secretarial sa isang school dito sa Metro Manila. Hindi mo naitatanong, maganda ako. Sabi nila artistahin. May nanliligaw sa akin na propesor ko. Pero may boyfriend na ako. Nag-aaral siya sa ibang school.

Ngunit natatakot akong i-basted ang manliligaw kong propesor at baka makainitan ako at ibagsak niya.

As of now, wala akong categorical na sina­sabing wala siyang maaasahan. Nagpapakita ako ng pagkamagiliw sa kanya dahil fear ko nga na baka ibagsak niya ako.

You see, mahal ko ang boyfriend ko. Ano ang dapat kong gawin?

Bambi

Dear Bambi,

Baka ang pagpapakitang giliw mo sa kanya ay mag-raise ng false hope sa kanya at lalo kang ma­pahamak sa dakong huli.

Ang mabuting gawin mo ay prangkahin mo na siya. Sabihin mong may boyfriend ka na at wala na siyang maaasahan. Huwag kang mag-alalang ibabagsak ka niya dahil kawalan ng ethics kung gagawin niya iyan at puwede mo siyang ireklamo.

Huwag mo nang patagalin. Ngayon pa lang ay maging tapat ka sa kanya.

Dr. Love

(Sa mga Overseas Filipino Workers na may problema at nangangailangan ng counseling, umugnay sa http://www.ofwonline.ateneo.edu. Ito ay bukas seven days a week. This website project specifically targets OFWs and their families in different parts of the world. – Dr. Love)

Show comments