Mahal pala niya

Dear Dr. Love,

A blessed day to you, Dr. Love. Please call me Girly, 19 years-old.

I am currently studying in one of the known univer­sities here in Metro Manila taking up Accounting­. Mayroong guy na persistent na lumiligaw sa akin. At first di ko siya type. Sabi ko pa nga sa friend ko, wala siyang maaasahan sa akin. Hindi naman kasi siya guwapo.

Tatlong buwan siyang nagtiyaga at siguro ay nagsawa rin siya. Tinigilan na niya ako. May halos one month na siyang nag-detach sa akin.

Pero totoo pala ang kasabihan na hindi mo mare-realize ang value ng isang bagay hangga’t di nawa­wala sa iyo. Dr. Love, nami-miss ko siya.

Parang nasasabik ako sa kanyang mga ipina­dadalang love notes at flowers. Mahal ko na kaya siya? Paano ang gagawin ko para magbalik siya sa panliligaw sa akin?

Girly

Dear Girly,

Kung minsan, may mga bagay tayong naga­gawa na sa dakong huli’y pinagsisisihan natin.

Paano siya magbabalik sa panunuyo sa iyo? Ewan ko. Siguro kapag nagkakasalubong kayo ay ngi­­tian mo siya. Try to win his friendship without showing­ na naghahabol ka sa kanya. Hindi guarantee ang payo ko sa iyo pero it’s worth trying, di ba?

Sana’y maging aral ito sa mga babaeng sobrang pakipot. Kapag may nanliligaw, open your mind. Ma­aaring ngayon ay hindi mo gusto ang isang suitor pero dahil sa ipinakikita niyang ugali ay ma­gustuhan mo. Give yourself time to confirm kung mahal mo nga o hindi ang isang manliligaw.

Dr. Love

(Sa mga Overseas Filipino Workers na may problema at nangangailangan ng counseling, umugnay sa http://www.ofwonline.ateneo.edu. Ito ay bukas seven days a week. This website project specifically targets OFWs and their families in different parts of the world. –Dr. Love)

Show comments