Dear Dr. Love,
Hello at kumusta ka, Dr. Love? Sana’y mai-feature mo ang sulat kong ito.
Simply call me Malou,19-anyos. Just three months ago, may masugid na nanliligaw sa akin sa school. Hindi ko siya pinapansin noon. Ilang beses akong sinusulatan at ini-email pero hindi ko siya feel noon. Alam na alam ng marami kong friends na dead na dead sa akin ang lalaking ito. Sabi nga ng friends ko, bakit ayaw ko siyang pansinin eh guwapo naman.
Hanggang sa nagsawa siya siguro. Nabalitaan ko na lang na girlfriend na niya ang isa sa mga schoolmate namin.
Hindi ko maintindihan ang sarili ko. Nasaktan ako sa balitang iyon at nainis ako.
Pero natitiyak ko na hindi ko naman siya feel at wala ako ni katiting na gusto sa kanya kahit guwapo siya. Bakit ganito?
Ano ba itong nararamdaman kong ito?
Malou
Dear Malou,
Iyan ang tinatawag na pride na umiiral sa iyo. Kasi, patay na patay siya sa iyo noong araw pero hindi mo siya pinapansin. Feeling mo siguro noon, may lalaking nagkakandarapa sa iyo.
Tapos, hayan, bumaling na siya sa iba. Iyan ay isang bagay na hindi ma-take ng pride mo. All along kasi, ang akala mo’y bubuntut-buntot siya sa iyo na parang aso.
Pero hindi magandang palatandaan iyang nararamdaman mo. Pagbigyan mo siya na umibig sa iba dahil wala ka namang gusto sa kanya. Ngayong nagkaroon na siya ng siyota, be happy for him.
Dr. Love
(Sa mga Overseas Filipino Workers na may problema at nangangailangan ng counseling, umugnay sa http://www.ofwon line.ateneo.edu. Ito ay bukas seven days a week. This website project specifically targets OFWs and their families in different parts of the world.)