Dear Dr. Love,
Pleasant greetings to you. Tawagin mo na lang akong Bart, 20-anyos. May girlfriend ako ngayon. Tawagin mo na lang siyang Lindsay. Si Lindsay ay kaibigan kong matalik bago kami naging mag-on.
May limang buwan na ang aming relasyon nang walang anu-ano’y nakikipag-break siya sa akin. Tumatanggi ako. Sabi ko, hindi ko kayang mawala siya sa akin.
Nang tanungin ko kung bakit, basta’t na-realize lang daw niya na magkaibigan lang dapat kami.
Nalaman ko na nakikipagbalikan sa kanya ang kanyang dating boyfriend. Taksil ang boyfriend niyang ito. Nakipag-live-in ng isang taon sa ibang babae tapos ay binabalikan niya si Lindsay.
Pero sabi sa akin ni Lindsay, true love niya ang kanyang boyfriend. Ano ang dapat kong gawin?
Bart
Dear Bart,
Hindi mo puwedeng pilitin ang babaeng ayaw na sa iyo. Just for the sake of your friendship, unawain mo siya.
Alam kong masakit ang nangyaring iyan pero ganyan talaga ang buhay. Bigyan mo siya ng kalayaan para sundin ang itinitibok ng puso niya. Puwedeng mali ang kanyang desisyon pero buhay niya iyan at hindi mo puwedeng panghimasukan.
Buti nga at ngayon nangyari ang pagbabago ng kanyang isip habang hindi pa kayo kasal.
Dr. Love
(Sa mga Overseas Filipino Workers na may problema at nangangailangan ng counseling, umugnay sa http://www.ofwonline.ateneo.edu. Ito ay bukas seven days a week. This website project specifically targets OFWs and their families in different parts of the world.)