Prince Charming

Dear Dr. Love,

Pagbati sa iyo at sa angaw-angaw mong readers. I really enjoy reading your love advice column dahil sa mga gintong aral na napupulot ko.

Call me Kristine. I’m 20 years old at nag-aaral ng Physical Therapy. Noong bata pa ako ay paborito kong fairy tales ang Sleeping Beauty at Cinderella. Kaya naman siguro nang magdalaga ako’y masyadong mataas ang standard ko sa lalaki. Pangarap ko’y isang “Prince Charming” na guwapo at mabait na handa akong ipagtanggol kahit kanino.

Mayroon akong isang kaklase na isang foreigner. Isa siyang Lebanese at napakaguwapo talaga. Very gentleman siya at napakabait sa lahat ng kamag-aral niya.

Nagkaroon na ako ng tatlong boyfriends pero hindi sila nagtagal sa akin dahil hindi ko mahanap ang katauhan ni Prince Charming sa kanila.

Sa kaklase kong ito, para kong nakikita ang “prinsipe ng aking buhay.”

Hanggang sa para akong binagsakan ng langit nang malaman kong may siyota na siya. Hindi babae kundi lalaki. Gosh, isa pala siyang closet queen na biglang lumantad nang makakita ng type na lalaki. Inis na inis talaga ako. Makakita pa kaya ako ng lalaking katulad niya? O baka naman sa pamamagitan ko ay mabago ko siya. Ano ang dapat kong gawin?

Kristine

Dear Kristine,

Masyadong suntok sa buwan ang gusto mong mangyari na sa pamamagitan mo’y magbabago siya. Ang bakla ay bakla at magbago man for religious reasons, sa kalooban niya’y hindi mababago ang kanyang sexual preference dahil yun ang kanyang nature.

May mga baklang nagiging Kristiyano at tinatalikdan ang homosexual practice para sa Diyos. Yung iba’y nakakapag-asawa pero ang secret desire nila sa kanilang puso ay kapwa lalaki pa rin nila. Kaya nga lang, nakokontrol nila ang kanilang damdamin dahil nasa puso na nila si Kristo.

Ewan ko kung sa papaanong paraan mo siya ma-aatract. Marahil ay kaibiganin mo muna siya and only time can tell kung mamahalin ka rin niya gaya ng pantasya mo.

Dr. Love

Show comments