Dear Dr. Love,
Tawagin mo na lang akongTotoy. Hindi iyan ang pangalan kong totoo pero itago mo na lang ang tunay kong pagkatao. Guwapo ako at matangkad. Pero hindi ko magawang manligaw.Twenty-six years-old na ako ngayon at ni minsan ay hindi ako nakaranas magkaroon ng girlfriend.
Ganito ang kuwento ng buhay ko. Anim na taong gulang pa lang ako nang ako’y mahulog sa puno ng sampalok. Sinamang-palad akong dumapo sa isang matalim na bagay na tumama sa aking pagkalalaki.
Akala ng mga magulang ko ay mamamatay na ako. Pero sa palagay ko’y mabuti pa nga siguro kung namatay ako para hindi ako namumroblema ngayon.
Hindi na naikabit ang aking ari at hindi na ako puwedeng mag-function nang normal sa sex. Nawalan na ako ng kapabilidad para bumuo ng buhay. Noong una’y bale-wala sa akin dahil bata pa ako at walang muwang. Pero nang nagbibinata na ako’y unti-unti kong natanto ang malaking kakulangan sa aking pagkalalaki.
Nagkakaroon ako ng sexual urge pero hindi ko ma-express dahil sa aking handicap. Wala nang silbi ito maliban sa daanan ng ihi.
Maraming babaeng nagkakagusto sa akin at napagkakamalan akong bakla. Hindi ko lang masabi sa kanila ang aking problema dahil nakakahiya.
Kung minsan tuloy ay nabubugnot ako at gusto ko nang wakasan ang buhay ko. Sana ay matulungan mo ako.
Totoy
Dear Totoy,
Kahit sa Bible ay tinutukoy ang mga taong “eunuch” na bagamat hindi puwedeng mag-asawa ay may silbi pa rin sa lipunan.
Alam kong mahirap ang iyong kalagayan pero hindi dapat maging dahilan iyan para ikaw ay magtangkang kitlan ang iyong buhay.
Ang silbi ng isang tao’y hindi lang naman sa pag-aasawa at pagkakaroon ng pamilya. Alam kong may kakayahan kang magdadala sa iyo sa tagumpay kung gagamitin mo. Yun ang tuklasin mo sa iyong sarili.
Huwag mong isipin ang sasabihin ng ibang tao sa iyo komo hindi ka nanliligaw. Bigyan mo ng kahulugan ang iyong buhay at gamitin mo ang iyong talentong kaloob ng Diyos.
Dr. Love