Dear Dr. Love,
A pleasant day to you. Tawagin mo na lang akong Regina, 32-anyos at dalaga pa. May boyfriend ako pero he is currently working in Macau sa isang casino.
Madalas naman kaming nagko-communicate sa e-mail at nagcha-chat. Tatlong taon na siyang naroroon at ayaw pang umuwi dahil gusto raw niyang makaipon nang sapat para sa aming future. Ilang beses ko siyang pinilit umuwi pero ayaw talaga niya.
Pero natatakot ako. Marami akong nababalitaan na nasa ganitong situwasyon at hindi nagkatuluyan.
Inabot ko ang edad na ito na single pa dahil sa kanya ngunit ayaw kong maging spinster dahil pangarap kong magkapamilya.
Mayroon akong manliligaw ngayon. Executive siya sa isang malaking kompanya at kahit dito lang ang kanyang trabaho ay puwede siyang bumuhay ng marangyang pamilya.
Naiisip kong sagutin ang lalaking ito. Afterall, ayaw akong pakinggan ng boyfriend ko sa panawagang umuwi na siya ng Pilipinas.
Tama ba ang gagawin ko?
Regina
Dear Regina,
That is your personal decision. Pero tiyakin mo na mahal mo ang manliligaw mo at baka sasagutin mo lang siya dahil naiinis ka sa boyfriend mo. Be sure of your feelings.
In fairness sa kasintahan mong nasa abroad, makabubuti rin na ipaalam mo sa kanya ang balak mo bago mo gawin at sabihin mo ang dahilan.
Sabagay, tama ka. Medyo may edad ka na nga at ayaw mong mapag-iwanan ng biyahe. Pero inuulit ko, you should do things for the right reasons.
Naniniwala naman ako na sa edad mo ngayon, alam mo na ang tama at mali.
Dr. Love