Dear Dr. Love,
Pleasant greetings to you. Ako po si Trixie, 19-anyos at isang college student na kumukuha ng Chemical Engineering sa isang kilalang pamantasan dito sa Metro Manila.
Medyo matagal na rin akong tagasubaybay ng iyong column at naengganyo ako ngayon na sulatan ka at humingi ng payo tungkol sa aking love problem.
Kakaiba marahil ang aking problema. Of all people ay bakit parang nai-in-love ako sa aking uncle. First cousin siya ng aking Daddy at bata pa at isang binata.
Nagbalik-bayan siya from the US at sa bahay namin tumira. I like him because he is bright and has sense of humor. Never a dull moment sa tuwing nagkakausap kaming mag-anak.
Is it normal na ma-in-love sa kamag-anak, Dr. Love? Paano ko masusupil ang feelings ko dahil alam kong mali ito?
Trixie
Dear Trixie,
Huwag mo nang tanungin kung papaano. Basta’t gawin mo lang. Uncle mo iyan and engaging in a relationship with him is taboo.
Marahil ay hindi naman talaga love ang nararamdaman mo kundi paghanga lang kaya naniniwala akong lilipas din iyan.
Sa tanong mong “is it normal?” Ang sagot ko, normal humanga sa isang tao kamag-anak mo man o hindi. Tao lang tayo. Pero binigyan tayo ng talino ng Diyos para malaman ang tama at mali.
Gamitin mo ang talinong iyan. Kung alam mong mali, kalimutan mo na lang. Ikatkat mo na lang sa isip mo na kadugo mo ang taong iyan na hinahangaan mo.
Dr. Love