Dear Dr. Love,
A pleasant day to you. I decided to write you this letter to seek your advice. Tawagin mo na lang akong Mhel, 26-anyos at dalaga pa.
May dalawa akong manliligaw. Si Tony, 24- anyos at si Bert, 40-anyos at isa nang biyudo.
Pareho ko silang gusto pero parang mas matimbang sa akin si Tony. Of course may kapintasan din siya like isip-bata at seloso. Nagtatrabaho siya sa isang call center.
Si Bert naman ay isang negosyante at isa lang ang anak na 12-anyos na. Maalalahanin siya at very mature. Aaminin kong may nadarama rin akong attraction sa kanya.
Kaya naguguluhan ako sa pagpili sa kanila. Dapat ko bang sundin ang puso ko at piliin si Tony o dapat ba akong maging practical?
Tulungan mo sana ako, Dr. Love.
Mhel
Dear Mhel,
Ang maibibigay ko lang sa iyo ay guidelines sa pagpili ng magiging lifetime partner pero ikaw ang magdedesisyon sa dakong huli.
Ikonsidera mo unang-una ay kung may damdamin ka o pag-ibig sa lalaking pipiliin mo. Pangalawa, magiging financially stable ka ba sa sandaling pakasalan mo ang lalaking iyong mapipili? Pangatlo, compatible ba kayo? Pang-apat ay ang ugali. Baka naman may ugaling nakakairita ang lalaking pipiliin mo na sa dakong huli’y hindi mo na matitiis hang gang sa mamatay ang nadarama mong pag-ibig.
Pinaka-importante pa rin ang pag-ibig and I mean true love sa pagpili ng makakapiling sa habambuhay pero ito’y dapat maging mutual at hindi one way traffic. Baka naman ikaw lang ang nagmamahal at hindi yung other party, hindi rin magtatagumpay ang inyong relasyon.
So, i-evaluate mo sila pareho batay sa nasabi kong panuntunan at piliin ang karapatdapat.
Dr. Love