Dear Dr. Love,
A warm and pleasant greetings to you Dr. Love. It has been almost three years that I’ve been reading your column.
Tawagin mo na lang akong Irene, 21 years-old. Mayroon akong boyfriend na nagtatrabaho sa banko.
Mahal ko siya and I believe na mahal din niya ako. Kaya lang, may isang ugali siyang hindi ko gusto. Ungentlemanly siya.
Halimbawa, kapag kumakain kami sa labas at may nakita siyang kakilala, babatiin niya at kakausapin pero hindi naman ako ipakikilala.
Kapag sinasamahan niya akong mag-grocery, ni hindi siya nag-o-offer na magbitbit ng mga pinamili.
Kaya lang, talagang pogi siya kaya hindi ko makuhang tabangan sa kanya. Kasi hindi naman ako masyadong maganda.
Ano ang dapat kong gawin? Mababago pa kaya ang pangit niyang ugali?
Irene
Dear Irene,
Ilang taon na ba ang boyfriend mo at walang modo? Kung mahal mo siya at gusto mong magbago, prangkahin mo siya.
Open the communication line at ipamukha mo sa kanya ang kanyang kapintasan. Hindi sa layuning pintasan siya kundi para baguhin niya ang kanyang sarili.
Baka naman over confident siya dahil “guwapo” siya? In any case, hindi dapat umabot sa kanyang ulo ang kagandahang lalaki. Try to persuade him to change.
Kung wa-epek, kalasan mo ang kumag na iyan. Kahit hindi ka kagandahan gaya nang sinabi mo, I’m sure there are other guys na karapat-dapat sa iyo.
Dr. Love