Manyakis na stepfather

Dear Dr. Love,

Ako po si Aurora,15-anyos. Ang prob­le­ma ko ay tungkol sa aking stepdad. Tatlong buwan na silang magkasama ng aking na­nay sa bahay namin. Namatay noong isang taon ang tatay ko.

Napansin ko ang makahulugan at malis­yo­song tingin sa akin ng aking amain. Una’y hin­­­­­di ko ito binigyan ng masamang kahu­lu­gan. Pero kalaunan, tsinatsansingan na niya ako.

Kunwari ay hindi niya ako nakikita, tapos babanggain ako at hihipuin ang aking dibdib.   Habang sinusulat ko ito, three times na niya itong ginawa sa akin.

Natatakot ako. Kung minsan kasi ay namamalengke ang nanay ko at kami lang ang naiiwan lalo  na kapag weekends at wala akong pasok. Ano ang gagawin ko?

Aurora

 

Dear Aurora,

Isumbong mo siya sa nanay mo. Kung sa kanya pa kakampi ang iyong ina, mag­sumbong ka sa malapit mong kamag-anak.

Pansamantala, umiwas ka sa mga pag­kakataong kayo lang ang naiiwan sa bahay.  Kapag inulit pa niya ang pagtsansing sa iyo,  magsumbong ka sa barangay at ipa-blotter mo ang pangmomolestiyang ginaga­wa niya. I’m sure tutulungan ka ng inyong chairman para matigil na sa kanyang ka­lokohan ang iyong manyakis na stepfather.

Dr. Love

 

Show comments