Nagmamahal sa ‘may sabit’

Dear Dr. Love,

First of all,  binabati kita at ang marami mong tagasubaybay ng magandang araw. Tawagin mo na lang akong Rita,  23-anyos at isang cashier sa isang kilalang restaurant.

I come from a poor family and after graduating from Business Administration, agad akong bumagsak sa trabahong ito. Marami na akong naging kasintahan pero nagbago ang takbo ng buhay ko nang makilala ko si Armand. Isa siyang matagumpay na negosyante at sa kabila ng edad niyang 50 ay matikas pa at guwapo.

Madalas siyang kumain sa aming restaurant at minsa’y lumapit siya sa akin at nakipagku­wentuhan. Napakalakas ng appeal niya at mula noon, pinadadalhan na niya ako ng mga roses, chocolates at iba pa upang ipahiwatig na interesado siyang manligaw sa akin.

Nang imbitahan  niya akong kumain sa labas, ewan ko kung bakit hindi ako nakatanggi. Sumakay kami sa kanyang Mercedez Benz at nagpunta sa Cowry Grill ng Manila Hotel. Frankly, first time kong  makakain sa ganyan karingal na restawran.

Hindi siya nagsinungaling sa akin. Nagtapat siyang may asawa na siya at mga anak at nagkakalamigan na silang mag-asawa.  Doon siya nagsimulang manligaw sa akin at ngayo’y naguguluhan ako. Mahal ko siya pero may sabit siya. Ano’ng gagawin ko? Dapat ko bang ibigay ang aking matamis na oo sa kanya?

Rita

Dear Rita,

Alam mo sa katinuan ng iyong isip na  immoral makipagrelasyon sa may-asawa. Sa mata ng tao at ng Diyos, labag iyan sa batas.

Pag-aralan mo ang damdamin mo at nasisiguro kong humahanga ka lang sa lalaking iyan dahil sa kanyang “dating” at “datung.”

Hindi ka ganyan ka-cheap. Maaaring lumigaya ka  sa piling niya pero panandalian lang. Huwag kang pumatol sa “dirty old man.”

Dr. Love

 

 

Show comments