Ipinanganak na bulag, bingi, pipi at lumpo

Marami ang kumontak sa akin pagkatapos lumabas ang sulat ko sa kulom na ito noong Pebrero 5. Isa na rito ay si Romeo Cabigan, taga-Laguna. Ang kanyang bunsong anak ay may kapansanan.

Ito ang mensaheng laman sa text na ipinadala niya sa akin noong Peb. 5: "Magandang tanghali po Kuya Dante. Ako po si Romeo Cabigan, may asawa at tatlong anak. Ang akin pong bunsong anak na siyam na taong-gulang ay ipinanganak na lumpo, di-nakakakita, di- nakakaupo, di-nakakatayo, di-nakakapagsalita at di-nakakarinig.

Kaya po ako ay nagkalakas ng loob na mag-text sa inyo ay nagbabakasakali po ako na mabiyayaan ninyo ang aking anak ng turning bed at wheelchair na kahit po luma basta puwede pong magamit. Isa po akong tricycle driver na kapos na kapos sa buhay. Ito po ang aking address: #792 Barangay Baba, Sta. Rosa, Laguna c/o Konsehal Arthur Cartagena, Blk. No. 3, Lot 19, Saint John Subd. Sana ay mabiyayaan n’yo ang aking bunsong anak.

Ang sumagi agad sa isipan ko na sulatan ay ang mga foundation na may kakayahan na tumulong sa mga taong may kapansanan na kapos sa buhay upang maangkin nila ang mga fabrication na gawa ko gaya ng lateral turning bed at iba pa.

Dati ay mayroon ding isang taong lumpo na gustong kumuha sa akin ng customized-motorized wheelchair at puwede rin niya itong gamitin sa paghahanapbuhay. Dahil wala siyang kakayanang bumili, ang ginawa niya ay sumulat siya kay Mel Tiangco ng GMA-Channel 7 na nag-host ng "Bisig Bayan," isang public service program.

Binilhan ni Mel Tiangco ng customized-motorized wheelchair mula sa akin ang taong lumpo.

Sana ay marami pang Mel Tiangco ang makabasa sa kulom na ito para matulungan ang mga taong may mga kapansanan. Marami kasing mga taong tumawag sa akin at gusto nilang maka-avail sa mga fabrication ko subalit kapos sila sa buhay. Gustuhin ko man silang tulungan, wala pa akong kakayahan dahil hindi pa naman ganoon kalaki ang aking puhunan sa negosyo.

Maaari ninyo akong kontakin sa mga sumusunod na numero: 776-7919, 0918-9213466, 0917-8537771 o sa fax # 821-4115. Salamat po sa inyong lahat at Purihin ang Panginoong Jesus!

– Kuya Dante Magbanua ng Parañaque


(Sa mga nais humingi ng payo, panalangin, pagpapala at iba pa, tumawag lamang sa mga telepono ng CLSF: U-belt, 733-1087; Pandacan, 533-5791/563-2809; Tondo, 251-8243/252-6649; Malabon, 273-8256/270-3836; Q.C., 724-0676; Parañaque, 821-5335; Cainta, 656-7998, at Mandaluyong, 533-5171.)

Show comments