Ayaw kilalaning ina

Dear Dr. Love,

Tawagin mo na lang akong Betsy ng Malabon, 34-anyos na ako ngayon at isang businesswoman. Involve ako sa real estate at sa awa ng Diyos, maginhawa ang aking buhay sa ngayon kahit isang single parent.

Hindi na ako nag-asawa pa nang umunlad ang aking negosyo. Ibig ko sana na may maiwan akong kayamanan sa nag-iisa kong anak sa pagkadalaga na hindi alam na ako ang kanyang ina dahil nasa pangangalaga ng aking pinsan.

Dahil walang-wala pa ako noong mga panahong yaon nang iwan ako ng boyfriend ko, ibinigay ko sa pinsan kong mayaman ang aking sanggol. Ang kapatid ko at bayaw ang kinilala niyang magulang bagamat alam niyang ako ang tunay niyang ina.

Walang-wala ako noong araw hanggang sa isang dati kong kaklase sa college ang nag-engganyo sa aking sa real estate. Dahil sa malaking kita, nakapagtayo rin ako ng water refilling station na kumikita rin ng malaki. Ibig ko sana na kunin ang aking anak. Gusto man ng aking pinsan, ang anak ko ang umaayaw. Mas mahal niya ang kanyang kinikilalang ina at ama kaysa ako na tunay na nagluwal sa kanya.

Halos madurog ang aking puso. Ano ang dapat kong gawin?

Betsy


Dear Betsy,


Medyo mahirap ang problema mo. Ang pinsan mo ang kinilalang magulang ng anak mo. Ang magagawa mo lang ngayon ay ilapit ang loob ng anak mo sa iyo. That might take a little time at kung ayaw pa rin niya na sumama sa iyo, wala kang magagawa kundi tanggapin ang katotohanan.

At kung mangyari iyan, makuntento ka na lang sa inyong relationship na "mag-tiya." Magkagayunman, puwede mo naman siyang mahalin sa pagsagot sa kanyang pag-aaral at pangangailangan at gawin mo siyang tagapagmana ng iyong mga ari-arian.

Dr. Love

Show comments