Dear Dr. Love,
Matagal ko nang ibig lumiham sa iyo pero nahihiya ako. Kakaiba kasi ang problema ko sa puso. Baka sabihin mo na akoy nagmumurang kamatis.
Tawagin mo na lang akong Nelson, 57-anyos at isa nang biyudo. Namatay ang aking misis sa sakit na cancer tatlong taon na ang nakararaan.
I was very faithful to my wife. Ni minsan ay hindi ko siya pinagtaksilan at mahal na mahal ko siya. Nang mamatay siya, parang gumuho ang aking mundo.
Lagi naman akong dinadalaw ng aking mga anak simula nang mabiyudo ako pero dama ko ang kakulangan sa aking buhay.
Hanggang sa kamakailan, nakilala ko si Alice. Isa siyang teller sa banko at ang edad ay 23 lang. Umibig ako sa kanya. Hindi ko akalaing darating sa buhay ko ang ganitong damdamin.
Dapat ko bang ituloy ang aking nararamdaman?
Nelson
Dear Nelson,
Walang masamang umibig at ibigin. But mind you, love is not a one-way street. Kung umibig ka, dapat ibigin ka rin, otherwise, kalimutan mo na ang iyong damdamin. Baka magmukha kang matandang kabayo na humahabol sa murang damo.
Sige ligawan mo si Alice. That is your right dahil eligible ka naman at hindi mo man sinabi, I presume na dalaga pa siya. Ewan ko kung ano ang magiging reaction niya. Puwedeng ibigin ka rin niya, puwedeng maging civil siya sa pagharap sa iyo bilang manliligaw, puwedeng sa talikuran ay lihim ka niyang pagtawanan.
Whatever, ituloy mo ang panliligaw at ihanda mo ang sarili sa ano mang consequence. Pero kung ako sa iyo, mas maganda kung iibig ka sa babaeng hindi naman sobra ang kabataan sa iyo. Totoong when it comes to love, age doesnt matter. Pero madalas, may disadvantage kapag sobra ang agwat ng dalawang nagmamahalan. Opinyon ko lang naman iyan at malaya kang magpasya sa iyong sarili. Iba ka sa akin at hindi ko saklaw ang iyong damdamin.
Dr. Love