May cancer si misis

Dear Dr. Love,

Tawagin mo na lang akong Nena. Sumulat ako dahil gusto kong mai-release ang bigat sa aking dibdib. Limang taon na kaming mag-asawa ng aking mister at mayroon kaming dalawang anak.

Dati’y sweet kami sa isa’t isa. Pero nagbago ito ilang buwan na ang nakalilipas. Napansin niya na laging mainit ang ulo ko. Inuusisa niya ako kung bakit pero nasisinghalan ko siya.

Sa totoo lang, nalaman ko sa aking ob-gyne na may cancer ako sa matris. Ako lang ang nakakaalam nito at ang aking kaibigang matalik.

Ayokong sabihin ito sa aking asawa’t mga anak. Ayokong pasanin nila ang problema ko.

Kaya ang pasanin ko sa dibdib ay lumalabas sa aking pagiging masungit. Nagagalit na sa akin ang mister ko. Ano ang dapat kong gawin?

Nena


Dear Nena,


Ang mag-asawa’y kailangang nagdadamayan at walang itinatagong lihim sa bawat isa. Sabihin mo sa kanya ang buong katotohanan dahil wala kang ibang makakaramay kundi siya.

You will be unfair kung itatago mo ang lihim na iyan. Bilang asawa, tungkulin ng mister mo na bigyan ka ng lahat ng suporta, financial at moral.

Isa pa, ang paglilihim mo sa tunay mong kondisyon ay hindi magpapagaling sa sakit mo. Sa makabagong panahon, hindi na hopeless case ang cancer kung nasa maagang yugto pa lang.

Kaya habang hindi pa malala ang sakit mo, simulan mo na ang pagpapagamot at kailangan mo diyan ang suporta ng iyong asawa.

Dr. Love

Show comments