Isang mapayapang araw ang hatid kong pagbati sa iyo sampu ng iyong mga laksa-laksang tagasubaybay. Tawagin mo na lamang akong Hermina, 36-anyos, may asawa at isang anak.
Tungkol sa aking asawa ang aking problema. Nagpakasal kami walong taon na ang nakararaan. Pero matapos ang mahabang panahong ito, isang lihim ang natuklasan ko.
May asawa pala sa Cebu ang aking mister. Nalaman ko ito sa aking kaibigan na malayong kamag-anak pala ng unang asawa ng mister ko. Para akong nadaganan ng langit sa aking nalaman.
Agad kong kinompronta ang aking asawa. Umamin naman siya pero sabi niyay may kasunduan na silang maghiwalay ng kanyang asawa dahil hindi sila magkasundo, May lalaki raw ang asawa niya kaya wala nang tsansang magkabalikan sila.
Sa kabila nitoy masama ang aking loob. Mahal ko ang asawa ko at ayaw kong mawasak ang aming relasyon lalo pat may anak na kami.
Ano ang gagawin ko?
Hermina
Dear Hermina,
Kung kasal ang mister mo sa una niyang asawa at sa iyo, bigamia ang kaso niya na isang seryosong kasong kriminal kahit pa may kasunduan silang mag-asawa na maghiwalay na.
Dapat sanay pina-annul muna niya ang una niyang kasal dahil may dahilan naman which is marital infidelity sa panig ng kanyang unang asawa. Kung mahal mo ang mister mo, maaari mo siyang patawarin, bakit hindi? Pero may legal stumbling block ang inyong relasyon. Hanggat walang nagrereklamo, hindi siya makakasuhan. Pero paano kayo makakatiyak? Hanggat maagay gumawa kayo ng legal action para maituwid ang depekto ng inyong pagsasama.
Ang mabuti pay sumangguni kayo sa abogado upang maturuan kayo sa dapat ninyong gawin.
Dr. Love