Tatlo ang boyfriends

Dear Dr. Love,

A pleasant day to you. Just call be Nelda, 21 years-old. I would describe myself as a liberated woman. Dahil may hitsura ako, marami akong manliligaw. May mga nagpapayo sa akin na magbago na raw ako. Pero iyan ang ugali ko noon pang bago ako nagdadalaga.

At dahil liberated ako, nakikipagrelasyon ako sa lahat ng lalaking type ko. Sa ngayon ay tatlo ang boyfriends ko. Pare-pareho silang guwapo at mayaman maliban sa isa na ordinaryong empleyado lang. Nagkaroon na rin ako ng sexual relations sa kanilang lahat. Wala akong kiyeme. I believe kasi na kung ano ang nagbibigay kasiyahan sa akin ay hindi ko dapat itakwil.

Pero iba ang damdamin ko sa huli kahit ordinary guy lang siya. Akala ko noon, pare-pareho lang ang lalaki. Basta nasa-satisfy ang desire ng katawan mo ay okay na. Iba ito. For the first time ay na-in love yata ako.

Hindi sila nagkakaalaman. Bawat isa sa kanila ay naniniwalang sila lang ang guy sa buhay ko. Ano ang dapat kong gawin? Dapat ko bang panatilihin ang relasyon ko sa dalawa? Naaawa kasi akong makipag-break dahil patay na patay sila sa akin. Please help me decide.

Nelda


Dear Nelda,


Saan mang anggulo tingnan, mali ang makipagrelasyon sa higit sa isang lalaki. Tatlong ilog ang nilalanguyan mo. Kapag tumaob ang bangka mo, baka hindi mo malaman kung saang ilog ka lalangoy. Sabi mo’y nakikipagtalik ka lahat sa kanila. Kung mabuntis ka, sino ang sasalo sa iluluwal mong sanggol. Don’t tell me ipa-aabort mo? Mas malaking kasalanan iyan.

Huwag kang maawa sa kanila kung makipagbreak ka man. Mas dapat mo silang kaawaan dahil parang pinaglalaruan mo sila.

Habang maaga, makipag-break ka sa dalawa at panatilihin ang relasyon sa isang lalaking talagang mahal mo. Iyan ang tamang gawin ng isang matinong babae.

Dr. Love

Show comments