Galing kami sa San Francisco at patungong Hawaii bago tutuloy sa ating bansa. Matagal-tagal din akong nawalan ng pulso, ayon pa sa mga doktor na kapwa ko rin mga pasahero na sumaklolo sa akin. Ayon pa sa kanila, sa mga ganitong pangyayari ay hindi na ako mabubuhay. Subalit talagang naghimala ang Panginoong Jesu-Cristo dahil binuhay pa Niya ako. Pangalawang buhay ko na ito at akoy nagpapasalamat nang lubusan sa Panginoong Jesu-Cristo at binigyan pa Niya ako ng pagkakataon na mahalin Siya higit sa lahat.
Bakit ko nasabi ito? Unang-una, dahil nang akoy nawalan ng malay sa loob ng kubeta, walang nakakita at agad na sumaklolo sa akin
Nang akoy nagkamalay, nalaman ko na lamang na akoy naka-oxygen at nakasuwero habang nakahiga sa higaan. Apat na mga Filipinong doktor ang nag-aasikaso sa akin at alam kong hindi aksidente na silay kasakay ko.
Galing kami ng San Francisco dahil hinatid namin ang aking mister doon. Isa siyang chef sa isang komersiyal na pampasaherong barko na naglalayag mula Amerika patungong Europa.
Habang naroon kami, ang daming mga kamag-anakan at mga kaibigan ang nag-imbita sa amin. Sa gabing yaon bago kami bumalik ng Pilipinas ay wala akong gaanong tulog dahil nga left and right ang mga imbitasyon namin. Ang aking asawa ay pasakay na rin ng araw na iyon habang kami naman ay papauwi na sa ating bansa.
Gusto nga ng mga Filipinong doktor na ipa-confine ako sa ospital pag dumating na kami sa Hawaii, subalit ako y tumanggi dahil baka malaki pa ang babayaran ko. Sinabi ko na lamang sa mga Filipinong doktor pati na sa management ng eroplano na akoy okey na at sa bahay na lamang ako magpapagaling nang husto.
Pinapirma ako ng waiver na kung sakaling may mangyari sa akin sa eroplano galing Hawaii ay wala silang pananagutan sa akin.
Nang lumapag na ang eroplano sa NAIA, isinakay ako sa ambulansiya kasama ang anak at Mama ko patungo sa bahay namin sa Youngstown Subd., Cainta, Rizal.
Dito na ako sa bahay namin nagpapalakas. Sabi ng doktor ko, dahil sa puyat at pagod ko doon sa San Francisco kaya talagang nanghina ako at nawalan ng malay. Kapag naisip ko ang mga kaganapan, talagang abot buntot ang hininga ko sa pasasalamat sa Panginoong Jesu-Cristo. Dati-rati, hindi ko gaanong sineseryoso ang pagiging Kristiyano ko pero ngayon ay nabago na ang paningin ko sa buhay at ang pagsunod ko sa Panginoong Jesu-Cristo bilang aking Panginoon, Diyos at Tagapagligtas. Purihin at sambahin Siya.
Ate Lenon Buena ng Cainta
(Sa mga nais humingi ng payo, panalangin, pagpapala at iba pa, tumawag lamang sa mga telepono ng CLSF: U-belt, 733-1087; Pandacan, 533-5791/563-2809; Tondo, 251-8243/252-6649; Malabon, 273-8256/270-3836; Q, 724-0676; Parañaque, 821-5335; Cainta, 656-7998, at Mandaluyong, 533-5171.)