Ako po si Ronnie, 24 years-old at sa edad kong ito, hindi ko pa naranasan ang umibig. Nagtatrabaho po ako bilang houseboy dito sa Metro Manila.
Kung tutuusin, marami naman ang masasabi kong nagkakagusto sa akin at karaniwang sila pa ang nagpapakita ng motibo.
Ang problema ko nga lang po, at ito ay hindi ko ikinahihiyang ibunyag, hindi babae ang nagugustuhan ko kundi kapwa ko lalaki lalo na ang batang lalaki.
Kasi po, tuwing makakakita ako ng batang guwapo, nagkakaroon ako ng crush. Minsan, nasasabi ko sa sarili ko na abnormal yata ang puso ko kaya hindi ako nagkakagusto sa isang babae.
Mabait naman ako at mayroon din namang hitsura. Sa kasalukuyan, mayroon akong crush sa isang bata na pumapasok sa paaralang malapit sa aking trabaho.
Sa unang pagkakita ko pa lang sa kanya kasama ang kanyang yaya, may naramdaman na ako agad na kakaibang paghanga at pagkagusto sa kanya.
Noong makasalubong ko siya, tiningnan niya ako at nginitian. Mula noon, lagi nang gusto ko siyang makita at hindi ako kuntento sa maghapon kung hindi ko siya nakikita.
Bahala na po kayo kung ano ang sasabihin ninyo sa akin at kahit pagtawanan ako ng tao, ang alam ko, mahal ko ang batang ito.
Ano po ba ang dapat kong gawin? Ito po ba ay matatawag na pag-ibig? Tulungan po ninyo ako.
Lubos na gumagalang,
Ronnie
Dear Ronnie,
Abnormal nga ang nararamdaman mong ito. Isa kang gay at kaya ang target ng iyong atensiyon sa kasalukuyan ay mga bata dahil wala pa silang muwang at hindi ka mapapahiya.
Sikapin mong mapaglabanan ang nararamdaman mong ito para hindi ka magkaroon ng problema sa sandaling samantalahin mo ang kawalang muwang ng mga batang lalaki para mapagbigyan ang damdamin mo.
Makabubuting kumunsulta ka sa doktor o isang psychologist para mabigyan ka ng sapat na pag-aanalisa sa kalagayan mo. Kung talagang isa kang gay, hindi ka talaga manliligaw sa isang babae kundi sa kapwa mo kabaro.
Sikapin mong mapaglabanan ang simbuyo ng damdamin sa mga batang lalaki kung hindi mo nais na makabilang sa mga tinatawag na pedopilya. Samahan mo ng dasal ang pagsisikap na ito para makaiwas ka sa kasong legal.
Dr. Love