Naghihintay sa wala

Dear Dr. Love,

Magandang araw po sa inyo. Sana ay datnan kayo ng sulat ko na nasa mabuting kalagayan.

Tawagin na lamang ninyo akong M.C., 22 years old. Ang problema ko po ay tungkol sa boyfriend kong si J.C., 22 years-old.

Naguguluhan po ako sa aming relasyon dahil walang katiyakan kung gaano niya ako kamahal. Sinasabi po niya na kaya niyang i-give up ang kanyang pamilya para sa akin at ako naman daw ang pakikisamahan niya pero ewan ko po, parang hindi ako gaanong kumbinsido. Hindi ko alam kung bakit. Dalawang taon na po ang relasyon namin pero hindi kami gaanong madalas magkita dahil nagtatrabaho ako.

Nagtataka din po ako dahil hindi man lang niya ako tinatawagan o kaya’y sinusulatan. Natitiis niyang hindi kami magkausap sa loob ng dalawang buwan. Pero ako, sumusulat ako sa kanya. Active siya sa simbahan nila pero okey lang naman po ito sa akin.

Nagsasawa na po ako. Ang ipinagtataka ko ay halos wala siyang time sa akin. Ang gusto ko lang naman ay maramdaman na nandiyan siya.

Sa tingin po ba ninyo ay hindi siya ganoon kahanda sa isang relasyon? Ayaw niyang magkahiwalay kami pero hindi naman siya gumagawa ng paraan para magkalapit kami nang husto. Naguguluhan po ako. Para po akong laging naghihintay sa wala. Dumating nga po sa point na ayaw ko nang umasa.

Masakit po ang naghihintay sa wala. Mahal ko po siya kaya lang ay nakakasawa na rin na lagi na lang niya akong pinapaasa sa wala. Ano po ba ang dapat kong gawin? I need your advice at umaasa ako na hindi ninyo ako bibiguin.

Always,

M.C. of Bulacan


Dear M.C.,


Hindi ka talaga dapat na maghintay sa wala. Umpisa pa lang ng relasyon mo sa isang may asawang lalaki ay dapat na inihanda mo na ang sarili mo sa mga sinasabi mong sitwasyon.

Hindi madali para sa isang lalaking may asawa na basta na lang kumalas ng relasyon sa kanyang asawa lalo na’t mayroon silang anak.

Ang nobyo mo ikamo ay aktibo sa simbahan. Bakit hindi niya isinasabuhay ang itinuturo ng simbahan na pangalagaan ang pamilya?

Talagang maghihintay ka lang sa wala at maiinip ka sa kahihintay sa isang lalaking nasa piling ng kanyang asawa at anak.

Iiwanan ang kanyang pamilya at ikaw ang pakikisamahan. Ganito lagi ang sinasabi ng mga taong may asawa para lalo ka lang marahuyo na ipagpatuloy ang relasyon ninyong dalawa.

Huwag ka nang magpakatanga. Maghanap ka na lang ng isang lalaki na walang sabit at mapapakasalan ka nang walang maghahabol na isang babae at anak niya.

Dr. Love

Show comments