Hi to all the staff of PSN especially to you, Dr. Love. Its my second time to write to you. Talagang avid fan ako ng inyong column.
Mayroon po akong ka-penpal, si Mr. Aries. Nagsimula ang aming pagsusulatan last 2001. Pumunta siya sa amin at niligawan niya ako.
Nagkaroon din ako ng feelings sa kanya pero hindi ko muna siya sinagot kasi malayo siya sa akin.
Year 2002, muli siyang bumalik at hindi ko expected na yun ulit ang sadya niya. Ang sabi ko sa kanya, before Valentines Day ay susulatan ko siya at iyon na ang tugon ng pag-ibig niya sa akin.
Ngayon ay mahigit one year na siyang hindi bumabalik. Kahit na sulat ay walang dumarating galing sa kanya. Hindi ko rin alam kung nakakarating sa kanya ang mga sulat ko o hindi.
Ano po ang gagawin ko? Susulatan ko pa ba siya para kumustahin? Umaasa po ako na mabibigyan ninyo ako magandang payo.
Good day and God bless. Rycel
Dear Rycel,
Baka naman tumigil sa pag-ikot ang iyong mundo sa kahihintay sa kanya. Hindi ko alam kung ano ang matibay niyang dahilan kung bakit hindi na siya nakikipag-communicate sa iyo sa ganyang kahabang panahon.
Pero ano man ito, maliban na lang kung siyay patay na, wala akong makitang rason kung bakit hindi siya makikipag-ugnayan sa iyo kung talagang mahal ka niya.
It will be unfair for you to wait for nothing. Sayang ang mas magagandang oportunidad na puwedeng dumating sa iyo.
Forget him.
Dr. Love