Crush ba niya ako

Dear Dr. Love,

Magandang araw po sa inyo at kumusta kayo?

Isa po ako sa masusugid na tagasubaybay ng inyong column. This is my first time to write to you.

I have a childhood friend. Nang mga panahong iyon, lagi kaming nag-aaway, nagtutuksuhan sa lahat ng mga bagay at minsan ay nilalait pa niya ako.

Hanggang sa maghiwalay ang aming landas dahil lumipat sila sa ibang lugar. After six years, muli kaming nagtagpo.

Nasa second year college na siya at ako naman ay graduate na sa high school. Pero nagkakahiyaan na kami. Minsan kapag nagkakasalubong kami ay ayaw niyang tumingin at kung minsan ay bumabalik pa siya sa dinaanan niya. Hindi ko alam kung bakit ganoon siya.

Ang nakapagtataka, ako lang ang hindi niya pinapansin sa mga kaibigan niya. Hindi ko alam kung nahihiya lang siya gayong may pinagsamahan naman kami noon.

Sa palagay mo ba Dr. Love ay may gusto siya sa akin? I will wait for your answer.

Respectfully Yours,
Sarah P.


Dear Sarah,


Mahirap na tanong iyan dahil hindi naman ako manghuhula. Marahil nga’y nahihiya siya sa iyo. Kung ano ang dahilan, siya lang ang nakakaalam.

Wala namang masama siguro kung ikaw ang unang babati.

Afterall, dati naman kayong magkabiruan. Puwede mong pabirong sabihin: ‘Hoy, yabang mo na ha. Di ka na marumong bumati. Kumusta?’

Dr. Love

Show comments