Hindi ka parausan

Dear Dr. Love,

Good day! Araw-araw ko pong binabasa ang column ninyo at nakakakuha po ako ng mga aral mula dito.

Ang problema ko po ay tungkol sa boyfriend ko. Mag-iisang taon na po kami pero mabibilang po sa daliri ang mga araw na magkasama kami.

Halos twice a month lang po kung magkita kami kahit hindi naman po malayo ang lugar niya sa lugar namin. Ang sabi niya, kaya lang daw siya hindi nakakapunta ay wala siyang pamasahe.

At kung magkita kami ay laging gabi at hindi matatapos ang gabi nang hindi kami nagtatalik. Halos ganito lagi ang eksena kapag nagkikita kami.

Bagong graduate lang po siya kaya laging walang pera at hirap siyang makahanap ng trabaho, katulad ng maraming mga nagsipagtapos.

Ang hindi ko po alam ay kung talaga bang wala siyang perang pamasahe kaya minsan lang kami magkita o talagang hindi niya ako mahal kaya wala siyang oras para sa akin.

Nalilito na po ako sa aking nararamdaman. Ang sabi niya ay mahal na mahal niya ako pero bakit hindi ko po maramdamnan kung minsan.

Gusto ko na po siyang hiwalayan pero ayokong isipin niya na kaya ko siya hihiwalayan ay dahil sa pera. Mahal na mahal ko po siya pero napupuno na ng sama ng loob ang puso ko.

Sana po ay payuhan ninyo ako.

Gumagalang,

Confused Girl


Dear Confused Girl,


Pambihirang relasyon. Bihira lang kayong magkita at laging natatapos ang gabi na magkasama kayo sa pagsi-sex.

Hindi kaya iyan lang ang hangad niya sa iyo? Mag-isip-isip ka.

Ang pag-ibig ay higit pa sa madalas na pagkikita at pagsi-sex.

Ang pag-ibig ay hindi rin puro salita. Kahit libong ulit niyang sabihing "I love you," hindi mo ito mararamdaman kung hindi galing sa kanyang puso.

Ang nadarama ninyo habang kayo ay nagtatalik ay pansamantalang sarap lang. Pag-aralan mo rin ang iyong damdamin dahil sa tingin ko’y wala kang inaasahang magandang future sa lalaking iyan na sisiputin ka lang para pagparausan.

Dr. Love

Show comments