Greetings in the name of Jesus Christ.
Isa po ako sa mga libu-libong mambabasa ng inyong column at marami ang inyong natutulungan sa pamamagitan ng inyong magandang payo. Kaya po nakaisip din ako na isangguni itong aking kaunting suliranin sa buhay.
Sa simula pa lang ay balak ko po sanang ipaampon ang baby ko kasi iniisip ko na baka hindi ko makayanan ang lahat ng mga pangangailangan niya paglaki. Kaya lang hindi ko makaya na ipaampon ito.
Kaya tiniis ko ang lahat. Kahit na maliit na sahod ay pinagtiyagaan ko kahit itoy halos kulang pa sa pagkain ng anak ko. Pero hindi po ako nawalan ng pag-asa dahil alam kong hindi po ako pababayaan ng Poong Maykapal.
Ten months pa lang ang baby ko. Makakaya ko kaya ang lahat ng mga ito? Parang wala na akong suwerte sa buhay. Sa anong bagay ako susuwertihin? Ano ang nararapat kong gawin? Pasensiya na po kayo sa akin. Bigyan nyo po ako ng magandang idea on how to face the reality as a single mom of the world. Maghihintay po ako sa inyong kuro-kuro.
Maraming salamat po.Respectfully Yours,
Pisces Girl of Zamboanga City
Dear Pisces Girl,
Sabi ng Bible, hindi tayo bibigyan ng Lord ng krus na napakabigat at hindi natin kayang pasanin.
Lahat ng bagay na ibinibigay ng Diyos sa atin ay may pakay. Dahil sa bigat ng problema, natututo tayong tumawag sa Kanya at kilalaning wala tayong magagawa kung wala Siya.
Bakit hindi mo hingan ng sustento ang ama ng iyong anak? Buhay pa ba siya?
Pananagutan niya ang ipinunlang binhi sa sinapupunan mo kaya sa ilalim ng batas ay may obligasyon siyang sagutin ang ibang pangangailangan ng iyong supling.
Kumunsulta ka sa abogado. Sa bawat munisipyo ay may Public Attorneys Office na handang tumulong nang libre.
Dr. Love