Kahit nang akoy bata pa, kapag nakakakita ako ng dugo, akoy natatakot. Hindi nga talaga ako puwedeng maging doctor o nurse man lamang. Napakamatatakutin ko sa dugo lalo na sa dugo ng tao.
Ngayong akoy lola na, dumating ang matinding pagkatakot ko nang sabihan ako ng doctor na tumingin sa akin na kailangan na maalis ang bukol na kasinlaki ng buto ng mais na tumubo sa aking likuran dahil kung hindi ay magiging cancer ito.
Maliban pa rito, kumikirot at masakit kapag itoy sinusumpong. Sa tuwing nasasagi ito sa pagsusuot ko ng damit, dumudugo ito. Hindi ako mapalagay at hindi ko na talaga matiis ang sakit na ito.
Noong gabi bago ako operahan kinabukasan, mataimtima kong nanalangin sa Panginoong Hesus na pagalingin
Niya ako upang hindi na ako maoperahan pa kinabukasan.
Habang akoy nananalangin, bigla ko na lamang naramdaman na mayroong tumusok sa aking likuran at napakasakit. Pagkatapos kong manalangin, akoy humiga na at natulog.
Kinaumagahan sa aking paggising, sa gulat ko ay nawala ang bukol sa aking likuran. Hinipo ko at talagang nawala na. Wala na akong nararamdamang sakit. Talagang pinagaling ako ng Panginoong Hesu Kristo sa gabing yaon nang akoy umiiyak na nananalangin sa Kanya. Buhay na buhay ang Panginoong Hesu Kristo at talagang hindi ka Niya tatanggihan kapag lumapit ka sa Kanya. Purihin ang Panginoong Hesus.
Lola Persing
(Sa mga nais humingi ng payo, panalangin, pagpapala at iba pa, tumawag lamang sa mga telepono ng CLSF: U-belt, 733-1087; Pandacan, 533-5791/563-2809; Tondo, 251-8243/252-6649; Malabon, 2738256/270-3863; Q.C., 724-0676; Paranaque, 821-5335; Cainta, 656-7998 at Mandaluyong, 533-5171.)