Sa pangunguna ni Bishop Daniel Balais, ipinagdasal ang obrerong patay na dahil wala na itong pulso at violet na ang kulay ng labi at balat. Hindi na ito humihinga. Pagkatapos ng panalangin, dumilat ang mga mata ng obrero at agad itong isinugod sa Polymedic Hospital para malapatan ng kaukulang lunas.
Ayon sa pagsusuri, ang kagat ng inskekto ang nagpahinto sa paghinga ng biktima. Allergic pala ang biktima sa kagat ng insekto.
Mabuti na lamang at naroroon ang mga CLSF intercessors na nanalangin kung kaya ang biktima ay binuhay ng Diyos.
Madalas na nakakaranas ng mga ganitong himala ang mga CLSF intercessors at ayon sa kanilang pananampalataya, darating ang panahon na makakaranas ang mga miyembro ng Iglesiyang ito na bumuhay ng mga patay para lamang magkaroon ng ugnayan ang tao at si Hesus.
Purihin ang Panginoong Hesu Kristo dahil sa kanyang ginawang pagbuhay sa namatay na obrero.