Magandang araw po sa inyo at sa lahat ng PSN staff. Just call me Jhane, 18 years-old from Quezon City.
I once had a boyfriend (I was in third year high school then) at tumagal iyon ng almost three years and one month. Pero last January 3, 2003, nag-break kami sa maraming dahilan.
Mahal na mahal ko po siya pero hindi ko ito naipakita sa kanya. Talagang nasaktan ako nang mag-break kami. Halos hindi ako makakain at makatulog.
Minsan ay naiisipan kong magpakamatay para wala na akong iisipin pa. Marami kasing tutol sa kanya.
Una ay mga tito at tita ko at ang mga magulang ko. Hindi kasi siya nakatapos ng pag-aaral. Grade 5 lang ang natapos niya. Pero may trabaho na siya.
Pero para sa akin, hindi importante ang edukasyon. Hindi importante kung mahirap o mayaman. Basta ang mahalaga ay nagmamahalan kami.
Ano po ang gagawin ko, Dr. Love? Hindi ko po siya malimutan. Dapat ko bang sundin ang mga magulang ko?
Marami pong salamat.
Jhane
Dear Jhane,
Huwag mong sisihin ang iyong mga magulang sa pakikipag-break mo sa iyong boyfriend. Bata ka pa at walang magulang na gustong malagay sa hindi mabuti ang kanyang anak.
Kung talagang mahal mo ang iyong boyfriend, dapat ay sinabihan mo siya na maghintay-hintay muna hanggang ikaw ay makatapos at makahanap ng magandang trabaho para sa inyong kinabukasan. Siya man ay kailangang mag-aral din dahil sabi mo nga ay Grade V lang ang inabot niya.
Huwag na huwag mong gagawin na kitlin ang iyong buhay dahil lalo lamang lalala ang problema. Ang buhay ng tao ay hiram lamang at Diyos lang ang may karapatang bawiin ito.
Dr. Love