Pero nahirapan siyang makakuha ng trabaho. Siya pa naman ang tangi naming inaasahan na tutulong sa mga nakababata niyang kapatid na makatapos din ng kanilang pag-aaral.
Pero may awa talaga ang Diyos. Nabasa ko ang kolum na ito at nabuhayan ako ng loob. Tumawag ako at nakausap ang isang counselor ng Christ, the Living Stone Fellowship. Sinabi ko sa kanya ang aking problema. Hiniling ko na matanggap ang aking anak sa London bilang isang Physical Therapist.
Napaiyak ako sa mataimtim na panalangin ng counselor. Lumipas ang isang linggo, tinawagan ang aking anak at doon namin nalaman na natanggap na pala ito at makakaalis na siya patungong London. Napakabilis ng mga pangyayari. Salamat sa Panginoong Hesus sa Kanyang mabilis na pagtugon sa aming panalangin. Belen