I want to forget him

Dear Dr. Love,

Hi! Warm greetings to you and all the staff of PSN. I didn’t imagine na darating ang araw na liliham din ako sa paborito kong column. Talaga palang sa panahon ng problema ay gagawin mo ang lahat para makalimot sa pamamagitan ng inyong sound advice.

I am in second year high school sa isang private school somewhere in Caloocan. I have my long time crush in the person of Mr. Aquarius. Lumipat kasi ako ng school just to be with him.

Pero dahil sa dami ng mga naganap, I decided to forget him. At first it was so difficult but I tried so hard and I’ve done it. Ginawa kong panakip-butas ang isang cute, intelligent at super kind na si Mr. Virgo. After that, I found myself na nagiging totoo na at nararamdaman kong unti-unti ko nang minamahal si Mr. Virgo.

Si Mr. Aquarius ang first crush ko since elementary. Sa tukso-tukso, nagkakilala kami pero bihira kaming mag-usap dahil nahihiya ako sa kanya. Ang unang naging close sa akin ay ang bestfriend niyang si Ate Charlene. Tinutukso niya rin ako pero dumating ang time na nagseselos na ako pati na kay Ate Charlene dahil super sweet sila sa isa’t isa.

Siguro sila na nga. Dati po palang manliligaw ni Ate Charlene si Mr. Virgo. They are both intelligent kaya compatible sila.

My problem is I feel so hurt when I see them together. Bakit ko ba pinipilit ang sarili ko na maging crush ko siya gayong masasaktan din naman pala ako. He is good naman sa akin. Actually, ako nga ang umiiwas lagi.

Dr. Love, I want to forget him kasi he’s always on my mind at baka pati studies ko ay mapabayaan ko at maapektuhan.

What shall I do? Ano ba itong feelings na nararamdaman ko. Ano kayang nararamdaman nilang dalawa sa akin?

Salamat sa pag-uukol mo ng panahon sa liham kong ito at hintay ko ang iyong kasagutan.

Always,
Nezz


Dear Nezz,


Salamat sa liham mo. Mga simpleng "crush" pa lang ang dumarating sa buhay mo kaya’t natitiyak kong madali mo rin silang malilimutan.

Ang pagkakaroon ng crush ay bahagi lang ng paglaki mo kaya huwag mong seryosohin ito.

Sa sandaling dumating na sa buhay mo ang tunay na pag-ibig, makikita mo, ibang-iba na ang pakiramdam. Hindi rin kasing dali ang lumimot.

Teenager ka pa lang kaya’t makabubuting mag-enjoy ka muna sa pagdadalaga at ang tawag ng pag-ibig ay huwag mo munang pagkaabalahan ng isip.

Pagbuhusan mo ng pansin ang pag-aaral mo at ang mga crush mo ay magsisilbi lang na inspirasyon sa buhay.

Ikaw lang pala ang may crush at hindi mo naman alam kung may katugon itong damdamin sa hinahanganan mong lalaki.

Sa ngayon, be friendly to all. Darating ang panahong makikita mo sa kalipunang ito ng mga kaibigan ang isang mamahalin habambuhay na maghahatid sa iyo sa altar.

Dr. Love

Show comments