Litung-lito ako sa araw na iyon. Naalis ako sa Malacañang bilang writer. May dalawang anak ako na pinag-aaral. Dahil wala na akong trabaho, papaano na lamang ang dalawa kong anak na mag-enrol. Mabuti sana kung sa public schools lang sila nag-aaral. Pero sa private school sila nag-aaral at ang tuition fee nila ay P100,000 sa isang taon. Kailangan ko ng P200,000 sa kanilang dalawa.
Hindi ko akalain na sa araw na iyon ay makikita ko ang isa sa mga counselors ng Christ, the Living Stone Fellowship. Wala pa akong sinasabi ay alam na niya ang aking pangangailangan. Ipinanalangin niya ako na magkaroon ng trabaho at tinukoy niya na akoy makapagtrabaho sa isang broadsheet bilang deskwoman. Sa mga panahon na iyon, nag-aaply ako sa naturang kompanya. Talagang specific ang kanyang panalangin sa akin at tinandaan ko iyon. Nang puntahan at kumustahin ko ang aking application sa naturang kompanya, sinabi sa akin na akoy tanggap na. Mag-uumpisa agad ako kinabukasan.
Napahanga ako sa ipinahayag ng counselor na iyon subalit sinabi niya sa akin na ang Panginoong Hesu Kristo ang dapat hangaan sa lahat dahil Siya ang nagbigay sa akin ng trabaho. Ipinadaloy lamang sa kanya ang kapahayagan na yaon para akoy matulungan sa matinding pangangailangan. Talagang nagpapasalamat ako sa Ating Panginoong Hesu Kristo na siya ang tumutugon sa ating mga pangangailangan.
Alma ng Maynila
(Kung gusto ninyong makatanggap ng pagpapala, katugunan, kagalingan, kalunasan o anupaman, tumawag lamang sa 533-5171 at 533-5179 at hanapin ang CLSF counselor).