Matagal na po ang problema ko hinggil sa hindi magandang pakikitungo ng dalawa kong mga anak sa isat isa. Ang panganay ko ay lalaki at ang bunso ay babae. Hindi maayos ang kanilang turingan bilang magkapatid. May kaunti lang pagkakamali, nagsisipagpunaan na sila. Para bagang mga aso at pusa. Hindi sila puwedeng magtabi.
Nang makausap ko ang isa sa mga counselors sa Christ the Living Stone Fellowship, hiniling ko sa kanya na ipanalangin ang aking dalawang anak na magmahalan sila bilang magkapatid. Karagdagan sa kahilingan ko na sana ay ma-release na ang inuutang ko sa GSIS.
Ipinanalangin niya ang aking mga kahilingan sa aking harapan. Makaraan ang tatlong linggo, nagkita kaming muli. Sinabi ko sa kanya na napakabisa ng kanyang panalangin dahil sinagot agad ng Diyos.
Nagkabati na ang aking mga anak. Hindi na sila nag-aaway. Bukod dito ay na-release na rin ang aking loan sa GSIS. Sa maikling panahon, sinagot agad ng Diyos ang kahilingan ko sa pamamagitan ng counselor na ito.
Sinabi sa akin ng counselor na ang lahat ng kasagutan sa panalangin ay galing sa Panginoong Hesu Kristo. Si Hesus lang ang dapat na pinupuri higit kanino man. Totoo ang kanyang sinabi.
Severino Samonte
ex-PNA executive director
Novaliches, Q.C.
(Kung nais ninyong makatanggap ng mga pagpapala, kagalingan, kalutasan sa mga suliranin o anupaman, tumawag lamang sa 533-5171 at 533-5179 at hanapin ang CLSF counselor.)