Mahal ko siya pero ayaw na niya

Dear Dr. Love,

Una sa lahat ay nagpapasalamat ako sa pagbibigay mo ng pagkakataon na mailathala ang aking problema sa pag-ibig. Tawagin mo na lamang akong Mr. Rolly Boy, 19 years-old. Ang aking problema ay tungkol sa paghihiwalay namin ng aking second girlfriend na si Ms. Capricorn. Noong una ko siyang nakilala ay agad ko siyang niligawan at after one week ay sinagot niya ako. Pero nang tumagal na ng four months ang aming relasyon, akala ko ay siya na ang makakatuluyan ko pero hindi pala. Nanghinayang ako kasi malambing siya.

Ano kaya ang gagawin ko para magkabalikan kami? Mahal na mahal ko siya. Sana ay matulungan mo ako sa aking problema. Hihintayin ko ang inyong sagot.

Sincerely,

Rolly Boy


Dear Rolly Boy,


Kung nagkahiwalay kayo nang hindi nag-uusap, sikapin mong makausap siya at alamin kung bakit ka niya iniwan.

Pakaalamin mo kung ano ang hindi niya nagustuhan sa iyo at sikapin mong i-adjust ang iyong sarili sa kanya.

Kung ayaw niyang makipag-compromise, wala na tayong magagawa. Kahit mahal mo siya, hindi mo mapipilit ang tao na mahalin ka kung wala na siyang gusto sa iyo.

Dr. Love

Show comments