Sa pagsapit ng sulat kong ito ay kasabay na rin ang aking taos-pusong pagbati at pangungumusta sa inyong lahat.
Tawagin na lamang ninyo akong Pisces Girl, 24 years-old. Ang problema ko po ay tungkol sa boyfriend ko, si Mr. Scorpio. Sa tuwing magkikita kami ay lagi kaming nag-aaway. Kasi kapag nakikita niya akong may kausap na lalaki ay nagagalit siya at nagseselos kahit na ang kausap ko ay kasama ko sa trabaho.
Kapag nagpapaliwanag naman ako ay hindi niya ako pinaniniwalaan. Wala siyang tiwala sa akin gayong mahal na mahal ko naman siya.
Noong umuwi siya sa probinsiya, pagbalik niya dito ay bigla na lang siyang nagbago. Ayaw niya akong kausapin at ayaw ko rin siyang kausapin dahil wala naman akong alam na nagawang kasalanan para hindi niya ako kausapin.
Dr. Love, dapat ko pa ba siyang kausapin o pabayaan ko na lamang siya? Naguguluhan po ako sa sitwasyon ko ngayon. Sana sa pamamagitan ng column mo magkaroon ako ng kaibigan sa panulat.
Pisces Girl
Dear Pisces Girl,
Ang pagseselos ay normal. Even God admits that He is a jealous God.
Pero may uri ng panibugho na nakasasama lalu pat ito ay labis. Too much jealousy is a sign of insecurity.
Siguro ang magagawa moy kausapin ang boyfriend mo na wala kang ibang mahal kundi siya. At walang dahilan para pagselosan ka niya.
Sabihin mong ina-appreciate mo ang pagseselos niya dahil itoy tanda ng pag-ibig niya sa iyo. Pero sabihin mo rin na ang labis na panibugho ay walang magandang idudulot sa inyong relasyon.
Gusto mong magkaroon ng mga kaibigan sa panulat pero ayaw mo namang i-publish ko ang address mo.
Dr. Love