Mahalaga ang komunikasyon

Dear Dr. Love,

Magandang araw po sa inyo. Ako po ay 19 years-old, dalaga at nagtatrabaho sa Mister Donut Zapote.

Sumulat po ako sa inyo dahil sa hindi namin pagkakaunawaan ng aking boyfriend. Siya si Purs, 19 years-old. Hindi ko po alam kung mahal niya ako dahil hindi niya ako tinatawagan o pinupuntahan.

Sa lahat ng naging boyfriend ko ay siya ang nagpatibok ng puso ko. Kapag lumalabas kami ay masaya kami pero kapag nandito na sa trabaho ay parang balewala ako sa kanya.

Sana ay matulungan mo ako sa problema ko.

Gumagalang,

Ginalyn


Dear Ginalyn,


Kung minsan, dala ng sobrang pag-ibig ay lubhang nagiging mapaghanap ang isang tao. Baka naman nasa isip mo lang ang sinasabi mong panlalamig sa iyo ng boyfriend mo?

Mag-usap kayo nang masinsinan at huwag lamang sa sulat. Sa isang relasyon, mahalaga ang komunikasyon.

Alamin ninyo ang mga bagay na di ninyo pinagkakasunduan at gumawa ng kaukulang adjustment.

Dr. Love

Show comments