DOLE: 13th month pay, dapat naibigay na bago mag-Pasko

Paalala ni Department of Labor and Employment (DOLE) Secretary Bienvenido Laguesma, ang naturang benepisyo ay nire-required na maibigay sa mga empleyado sa ilalim ng Labor Code of the Philippines at Presidential Decree 851.
Philstar.com / Irra Lising

MANILA, Philippines — Dapat umanong bago mag-Pasko ay naipamahagi na ng mga emplo­yers ang 13th month pay ng kanilang mga empleyado, na siyang legally mandated deadline nito.

Paalala ni Department of Labor and Employment (DOLE) Secretary Bienvenido Laguesma, ang naturang benepisyo ay nire-required na maibigay sa mga empleyado sa ilalim ng Labor Code of the Philippines at Presidential Decree 851.

Dagdag pa niya, tiyak na matutuwa ang mga empleyado kung maagang matatanggap ang naturang benepisyo.

“Just to reiterate my earlier message and appeal for all employers to pay the 13th month of their employees on the deadline set by law which is Dec. 24,” aniya.

Dagdag pa ng kalihim, “It would have been very much appreciated if payment has already been made. In any case, paying it tomorrow will be a manifestation of their concern for the welfare of their employees.”

Show comments